Good day to you. Gusto ko lang pong mabigyan ng kasagutan ang matagal nang gumugulo sa isipan ko tungkol sa minana kong lupa. Nagbabalak po akong magpatayo ng bahay sa lupang aking minana sa mga magulang ko pero nang gagawan na ng plano, naisipan kong sukatin yung frontage at nadiskubre kong sobra ng dalawang metro kung ikukumpara sa transfer of title na hawak ko.(Actual dimension=10.65mtrs + 2 mtrs (rt of way for my brothers)=12.65mtrs. Title shows=8.65mtrs + 2mtrs (rt. of way) = 10.65mtrs) Simula bata hanggang paglaki, yun na ang nakagisnan kong konkretong bakod na siguro nga ay mas matanda pa sakin. Ako po pala ay 40 yrs old na. Ang local government po ang nagsagawa ng lot survey dahil nabili po ito ng aking mga magulang sa pamamagitan ng urban poor project ng gobyerno. Ipinagpapalagay ko pong ito ay isang typing error or human error para dun sa nag encode ng tamang sukat ng aking lupa.
Ano po ba ang dapat kong gawin kasi natatakot ako na pagdating ng panahon ay magkaruon ako ng problema kapag sinunod ko ang actual lot dimension.
Maraming salamat po at nawa’y magkaruon ako ng maganda at konkretong kasagutan.
Last edited by junjo on Sat Jun 04, 2011 3:15 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : to make more clear)