Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

problem with my landlord

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 problem with my landlord on Fri Jun 10, 2011 3:48 pm

janicedawis


Arresto Menor
Ako po si Gng. Janice D. Del Rosario, 30 years old may sapat na gulang, ay nangungupahan sa isang commercial apartment, kasama ang aking asawa na si G. Narciso B. Del Rosario, at aking tatlong anak na sina Josephine Joyce D. Del Rosario, 7 yrs. old, Jewel D. Del Rosario, 4 yrs. old, at Jasmine D. Del Rosario, 2 yrs. old. Kami ay nagmamay-ari ng dalawang negosyo: Joyce and Jewel Electrical Repair Shop at Naeds and Jasmine Computer Shop. Ang mga ito po ay nakarehistro sa ating munisipyo, DTI, at BIR
Sa kabila po nito kami ay ayaw nang paupahin pa ng aming Landlord na si G. Eduardo D. Del Rosario kanyang asawa ng si Gng. Elisa Del Rosario at kanyang mga anak na sina Editha De Asis at Edgar Del Rosario sa kadahilanang gagamitin na po daw nila ang kanilang paupahang unit. Bukod po sa amin sila pa po ay may dalawa pang paupahang unit na nasa aming katabi. Kami po ay di nila nere-renew ng contrata , simula pa ng taong 2009,. At sa kahit ano pong hingi ko ng kontrata ay hindi nila ako binibigyan. Kailangan ko po ang Contract of Lease sa tuwing kami ay magre-renew ng Business Permit. Ako ay kanilang sinasabihan na ihahabol na lamang ang kontrata. Hanggang sa ngayong magbabayad ako ng aking buwanang upa para sa buwan ng January, hindi po nila tinanggap ang aking bayad bagkos binayaran po nila ang kanilang nahiram salapi sa akin. Sila po ay madalas humiram o bumale ng pera at ipinakakaltas nila ito sa aking buwanang upa. Kaya po ganun na lamang ang aking pagkagulat nang ayaw nilang tanggapin pa ang aking bayad bagkos gamitin ko na daw po ang aming dalawang buwang deposito, Ito po ay cover ng buwan ng January at February. Dahil sa kailangan na daw po ng kaniyang mga anak ang nasabing upahang unit, ito daw po ay tatayuan ng PHARMACY ng kanyang mga anak. Ako po ay di pumayag at nagfile ng reklamo sa Baranggay San Juan ng Taytay,Rizal. Kami po ay di nagkasundo. Ang aking finile n reklamo ay Paglilinaw sa Contrata. Sa usapan naming ako po daw ay lumabag sa kanyang Contrata na pagbabago ng istruktura . Ako po ay walang alam na nalabag ko sa kanilang kontrata, bakit po una, ang kanilang kontratang nababangit ay tapos na at di nila nere-renew, pangalawa sila po ay lumabag sa panuntunan ng paupahan na di pagsasa-ayos ng kubeta at lababo, na halos pag binubuhusan ang bowl ito ay di tumutuloy at lumalabas ito sa mismong flooring ng banyo kaya amin itong binusalan upang di lumabas doon ang mga dumi. Ako po ay nag hayag na ding nag-reklamo sa kanila sa Sanitation. Ganun po ang aking paglilinaw sa kanyang nabanggit na kontrata… na… talata #8 Kasangkapan. Na ang umuupa ay walang karapatang magsa-ayos o mag-repair ng anumang pinsala kung walang pahintulot ang Nagpapaupa.
Kami po ay walang binago o sinira sa kanyang paupahan, ang aming inilagay ay dibisyon lamang at pawang light materials lamang tulad ng plywood at kahoy lang. Wala po kaming nilalagay o kinostract na hollow block na dibisyon. Ngayon po iginigiit niya ang pagbibigay niya ng terminasyon sa akin, sa katotohanan po ako ang unang humiling sa kanya na bigyan niya ako ng sapat na dahilan upang ako ay paalisin, may sapat akong ebidensya na return card upang patunayan ito. Pangalawa sa aking liham wala pa akong natatangap na liham kung kaya’t si Atty. Nestor Cruz na ang muling lumiham sa kanya . Ngayon di kami nagkasundo dahil humihingi ako ng ilang buwan hanggang 6 na buwan simula ng paggamit niya sa aking 2 buwan deposito. At ayon sa mga kinunsulta kong abogado at lingid sa aking kaalamanan at pagreresearch ayon sa ARTICLE 1687 IF THE PERIOD FOR THE LEASE HAS NOT BEEN FIXED, IT IS UNDERSTOOD TO BE FROM YEAR TO YEAR, IF THE RENT AGREED UPON IS ANNUAL: FROM MONTH TO MONTH, IF IT IS MONTHLY;FROM WEEK TO WEEK,IF IT IS WEEKLY; AND FROM DAY TO DAY, IF RENT TO BE PAID IS DAILY. HOWEVER EVEN THOUGH A MONTHLY RENT IS PAID, AND NO PERIOD FOR THE LEASE HAS BEEN SET, THE COURTS MAY FIX A LONGER TERM FOR THE LEASE AFTER THE LESSEE HAS OCCUPIED THE PREMISES FOR OVER ONE YEAR. IF THE RENT IS WEEKLY, THE COURTS MAY LIKEWISE DETERMINE A LONGER PERIOD AFTER THE LESSEE HAS BEEN IN POSSESSION FOR OVER SIX MONTHS. IN CASE OF DAILY RENT, THE COURTS MAY ALSO FIX A LONGER PERIOD AFTER THE LESSEE HAS STAYED IN THE PLACE FOR OVER ONE MONTH.(1581a). Kaya magsisimula ng buwan ng March hanggang August ang aking kahilingan dahil hindi po ganun kadali ang paglilipat, kailangang abisuhan naming ang aming mga costumers sa aming lilipatan kung saan at kailan, ngayon po ang 6 na buwan para po sa

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum