Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Physical injury from uncle

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Physical injury from uncle on Thu Jun 16, 2011 5:06 pm

Jj21


Arresto Menor
Hello po! Ito po ang 1st post ko. Gusto ko pong magkaroon ng idea sa maari kong maisampang kaso. At maging guide ko sana kayo kung ano yung mga proseso at kung maari ay mabilis. Desidido po akong magsampa ng kaso. Ano pong mga NGO ang maaari kong lapitan upang matulungan ako sa kaso. Maraming salamat po.

Ako po ay buntis, 21 yrs old, taga-aurora province at may isang anak na babaeng 3 ½ yrs old at isang 2 yrs old na lalake. Ikakasal pa lamang sa june 25, 2011.
Noong May 28, 2011, alas-kwatro ng hapon , habang kami ay nagpapalipas ng oras ng mga anak ko sa bahay, na tabing kalsada, ng aking uncle, kapatid ng aking ina, upang hintayin ang aking mommy na manggagaling mula sa Pampanga ay biglang dumating ang isa ko pang uncle, kapatid din ng aking ina, na mainit ang ulo at hinahanap ang kanyang anak. Sinagot ko naman ng maayos ang kanyang tanong. Nag-stay sya at kinausap-usap ang mga anak ko. Nagpamano at nagpapakiss sya. Ilang saglit ay sinasabihan nya ang mga anak ko na wag dawsila gagaya sa akin na matigas ang ulo. Pagkaraan ng ilang Segundo ay dinuduro na ako sa mukha at sinasabi nyang wag matigas ang ulo tapos hindi pa sya nasiyahan sa paduduro lang sa akin dahil ang kanyang daliri na pinangduduro sa aking mukha ay pinang-umbag umbag sa aking noo. Natakot ang mga anak ko at nag-iyakan. Napatingin ako sa mga anak ko at nakita kong ang anak kong lalake ay nangingitim na at halos hindi humihinga sa pag-iiyak dahil sa takot. Ako’y napamura sa kabiglaan at takot nang makita ko ang aking anak sa ganoong kalagayan kaya linapitan ko siya para kargahin pero bigla na lang akong sinabunutan ng uncle ko at pinagmumura. Lumalayo ako dahil iyak ng iyak at takot na takot na ang mga anak ko pero talagang hindi ako tinatantanan. Nagsisigaw na ako at humihingi ng tulong. Nagmamakaawa ako dahil takot na takot na ang mga anak ko. Karga ko ang anak kong lalake pero tuloy-tuloy ang pananbunot at pagsakal sa akin ng uncle ko. Inaawat sya ng auntie ko na asawa ng may-ari ng bahay na uncle ko. pero kahit anong awat nya ay hindi pa rin tumitigil sa kanyang ginagawa. Nang ako ay nabitiwan nya saglit ay ipinasok ako ng aking auntie sa isa nilang kwarto para magkulong ako doon ng hindi na ako magalaw. Nakapasok ako sa kwarto at sumiksik sa isang sulok habang yakap ang anak kong lalake. Pinapatahan ko ang aking anak para hindi kami marinig ng uncle ko ngunit sa sobrang takot ay hindi ko siya mapatahan. Lumiligid pa rin ang uncle ko sa buong bahay at nagsisigaw at hinahanap ako. Nang marinig nya ang iyak ng aking anak sa kwarto na aming pinagtataguan ay pumasok siya at pinagsisipa ang pinto hanggang sa ito ay masira at mabuksan at doon nagsimula na naman ang pananakal, pagsabunot at pagmumura niya sa akin. Inginudngod niya ako sa kama habang pinagmumura. Nang ako ay makatayo para tumakas ay nahawakan pa rin ako sa buhok at sinabihan na huwag tatakas. Napahawak ako sa doorknob at nagpupumilit na makatakas pero mahigpit nyang hawak ang aking buhok. Para kaming mga basketball players na napasugapa sa bola na naghihilaan sa aking ulo. Hindi ko na iniinda ang sakit na nararamdaman dahil ang nasa isip ko lang ay makatakas kami ng aking mga anak. Dumating ang isa kong uncle na may-ari ng bahay at nadatnan nya akong nasa sahig na nginungudngod at sinasabunutan. Nailayo sa akin ang uncle ko kaya ako’y nakatakas. Sa likod kami ng bahay dumaan at doon ko nakita ang anak kong babae na karga ng isa kong pinsan. Karga ko ang mga anak ko habang tumatakbo sa kalsada ng walang anumang sapin sa paa. Hindi ako tumuloy sa aming bahay dahil alam kong susundan ako doon ng aking uncle kaya sa bahay n gaming kapitan ako dumeretso ngunit sarado ang kanilang gate at walang tao. Nag-isip ako kung saan hindi maiisip ng aking mga uncle kung saan ako pupunta kaya naman nagtuloy ako sa bahay ng isa sa mga tao ng aking ina na magtanim o maglaba sa amin. Walang tao sa kanila pero doon muna ako tumambay. Hindi iyon kalayuan sa aming bahay. Yung kapit-bahay n gaming pinagtataguan ay nagtanong kung anung nangyari sa akin at magulo ang aking itsura at may sugat daw ako sa noo. Nagkwento ako. Pinahiraman nya ako ng cellphone para makakontak sa pamilya ko at sa pulis. Pauwi na sana ako. Nang Makita ko ang aking kuya na nagtatanong sa isa kong pinsan kung nasaan ako. Kagigising lamang niya noon. Tinawag ko siya at kinuwento ko ang nangyari. Ang sabi nya ay nasa bahay nga ang aming uncle at hinahanap ako. Pinagbibintangan din ang aking kuya na itinatago ang anak niya at ako. Nakiusap ako sa kuya ko na kunin niya ang ilang gamit namin ng mga bata, cellphone at pera para aalis na lang sana kami at doon sa bahay ng biyenan ko makituloy pansamantala dahil hindi umaalis sa amin yung uncle ko. Bumalik ang kuya ko at ang sabi hindi siya makakuha ng mga ipinapakuha ko dahil andun daw yung uncle namin. Kaya naman naghintay na lamang ako sa pagdating ng mga pulis na aking tinawagan. Dumating ang mga pulis, ipinasalaysay ang mga nangyari. Hindi ako makalabas sa bahay na pinagtataguan ko dahil baka makita ako ng uncle ko. Pagkatapos akong kausapin ay pinuntahan sa amin ang uncle ko at doon kinausap. Nakihalo ang ibang uncle ko na kapatid din ng aking ina. Galit sila kung bakit daw tumawag pa ng mga pulis. Madilim na ng maipunta ako, ang mga anak ko at ang uncle sa police station. Ilang oras pa ay nagsidatingan ang aking mga uncle kasama ang kuya ko. Doon pinagtulung-tulungan akong pagsalitaan. Pinapalabas nilang masama ako dahil pinaabot ko pa sa mga pulis ang mga pangyayari samantalang habang nagtatago ako noon sa bahay ng trabahador naming ay isa sa uncle ko ang nagsabi na magtago lang ako dahil papatay ng tao yung uncle ko na nambugbog sa akin. Hanggang ngayon ay idinadaing ko pa rin itong sakit sa leeg ko at balakang dahil sa pangyayaring iyon. Ayon sa doctor na pinagpapacheck-up-an ko ay hindi daw ako pwedeng i-x-ray dahil ako’y buntis at nakakalakad naman. Pumunta ang uncle ko sa aming bahay noong May 31,2011 at kinausap si mommy. Hindi humingi ng tawad sa aking ginawa at binabaliktad niya sa aking ina yung mga pangyayari at nagbitiw siya na pagsinampahan siya ng kaso at makulong ay gaganti siya. Ngunit noong May 30, 2011 nang makita ng isa sa mga pinsan ko na nasaksi sa pangyayari ang aking ina ay bigla na lang itong nagkwento at idinemo pa ang nangyari. June 8, 2001 ay bumalik ang uncle ko at aking ama ang kinausap. Nairecord ko ang kanyang mga sinabi. At isa sa mga sinabi niya ay angpapa-abort ako para sa kanya daw isisisi. Ano po ba ang mga maari kong isampang kaso sa kanya. Ang una at pangalawang pagpapabaranggay sa kanya ay hindi niya sinpot. Ang pangatlo ay sumipot siya ngunit nag-suggest ang aking ama na saka na lang magbigay ng final decision kung kaharap na ang aking ina. Ngayong darating na June 20, 2011 ang magiging muling paghaharap kasama ang aking ina. Ako at ang aking ina ay desidido na magsampa ng kaso.

View user profile

2 Re: Physical injury from uncle on Thu Jun 16, 2011 8:51 pm

Kung desidido kang huwag maki-pag ayos sa tito mo, yan ang panindigan mo sa paghaharap nyo para makasampa ka ng kaso sa kanya. Sigurado ako na ikukumbinse ka ng ibang mga kamag-anak ninyo na huwag kang na lang magsampa ng kaso pero nasa iyo ang desisyon.Kung ako sa iyo, ituloy mo yan para mabigyan ng leksyon yang tito mo.

Lumapit ka lang sa Prosecutor's Office at sila na bahala sa ikakaso sa tito mo. sifone


View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum