Ang Mr. ko po ay kasal sa 3 babae, ako po ang no.1 (kasal sa church), ang no.2 po (kasal sa huwes sa Tarlac), ang no.3 po (kasal sa Huwes sa QC),8 yrs na po kaming hiwalay (1 anak) mula po malaman ko panloloko nia, ang no.2 po may asawa nang iba (walang anak), at ang no.3 po ang kinakasama nia ngaun with 2 kids na po yata.
Hind po sia nagsusuporta sa amin since 2003 po nun maghiwalay kami,sa ngaun po naglilitis kami sa QC at Tarlac pati po sa PRC, Engr po sia at OFW kaya malaki po ang sahod nia.Sa OWWA at POEA po ang beneficiary nia ay ang 3rd wife nia.
Sa ngayon po ay nasa ibang bansa din ako at nagpapakahirap pong malayo sa anak ko para mapag-aral ko po.
1. Ano po ang stand ko at pede kong gawin para po makuha ko ang right ko at ang right ng anak ko?
2. Sa 3rd wife nia po,ano po ba pwede kong ikaso sa kanya?
Salamat po sa site ninyo at may tumutugon po sa aming mga tanong... Mabuhay po kayo! God bless po