Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Sabi ng mediator wala daw pong nakukulong sa Economic Abuse

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

miles_faraway


Arresto Menor
Good morning attorney. Binigyan na po ako kahapon ng Certificate to File Action against sa daddy ng daughter ko dahil hindi po siya nagsusustento for almost a year na po. Pero sabi ng mediator, kahit daw isampa ko sa korte, hindi naman daw po papansinin yun kasi ang pinapansin lang daw po ng korte ay mga kaso tulad ng rape, murder etc. Magaaksaya lang daw ako ng pera at pagod. Totoo po ba to? May nakausap po ako sa Marikina Prosecutor's office, basta lumapit lang daw ako sa Women's Desk nila, sila na bahala saken at wala daw akong babayaran na kahit ano.

Ayaw na talagang magsustento nung lalaki kahit sinabi namin ng mediator na bibigyan pa namin siya ng another year to look for a job pero ayaw niya. So nagdecide na po yung mediator ng barangay na bigyan na ko ng Certificate to File Action.

Thanks po

View user profile
You cannot force the father of your child if he has no gainful employment. Crying or Very sad

View user profile

miles_faraway


Arresto Menor
So it means kahit habang buhay na po siya na hindi magbigay ng sustento hindi pa din po siya makukulong or makakasuhan?

Sabi niya po kasi wala siyang trabaho, wala "daw" siyang mahanap. Pero hindi naman po siya naghahanap kasi binubuhay naman siya ng babaeng kinakasama niya. Nakapagtapos po siya ng 4year course at maraming experience sa work kaya hindi ako naniniwalang wala talaga siyang mahanap.

Sabi ng isang attorney dito maybe gumagawa lang daw yung lalaki ng lusot/alibay para hindi na talaga magsustento sa anak niya.


View user profile

rchrd


moderator
NOT A LEGAL ADVICE:

Kung ako ikaw, di ko na pag-aaksayahan ng oras yang walang kwentang lalaki. Baka pag nabigyan pa ako ng katiting eh ipagsigawan pa na siya ang bumubuhay sa akin at sa aking anak. Ituturing ko siyang isang masamang bangungot pero salamat sa Diyos at nagising na ako.

Thank God that He spared you from being tied to that useless sluggard. Look instead for a decent job to feed your child and pray for the better man that will accept and love you and your child.

God bless.

View user profile

attyLLL


moderator
some prosecutors don't accept the 'no job' defense. you will be within your rights to file a complaint for economic abuse. give this bgy mediator a copy of ra 9262


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

miles_faraway


Arresto Menor
RCHRD- Thanks for the concern. I have a very decent job right now and I can feed my daughter and bring her to a very good school alone. Im married. All I want is for the guy to learn his lessons; that having a child is not just bringing her to this world and that's it. He's very rude and he doesn't want to see his daughter anymore. Seeing his daughter suffer because of him is unacceptable. I want him in jail.

View user profile

katang17@yahoo.com


Arresto Menor
sana maging lesson na sa iyo yun pareho tayo ng pinagdadaanan, ang buhay ay parang gulong di naman natutulog ang Dyos. para na rin sa ikakatahimik ng loob mo pakawalan mo ang galit mo at ipagdasal mo namalagpasan mo ang problemang hinaharap mo ngayon ang tao pag ayaw wala kang magagawa kundi patawarin sya sayang ang panahon na ubusin mo ang sarili mong panahon na dapat nakatuon sa kaligayahan nyong mag ina .walang nananaig na galit at kasamaan sa mundo di habang buhay pwede nyang iwasan ang mali na ginawa niya balang araw magsisisi din yan at tao lang tao para magpatawad may kabilang mundo pa na kanyang pagbabayaran.kawawa lalo ang anak mo pag pinilit ang bagay na di na maari.isipin mo mabuti ito ba ay dapat pa bang bigyang pansin?ninanakaw lang ng galit mo ang dapat na panahon mo sa iyong anak

View user profile

miles_faraway


Arresto Menor
@katang17@yahoo.com

Marami ng nag advice sa akin ng ganyan, pero mas marami na kasi ngayon ang lalaking iresponsable. Gusto ko matuto ng leksyon siya para hindi na niya ulitin yun sa iba (actually ginagawa na naman niya sa ibang babae ngayon) at hindi na siya tularan ng ibang lalaki dyan. Akala niya kasi pwede niyang takbuhan ang lahat pero gusto kong malaman niya na mali siya para matauhan siya.

View user profile

piolo_paksiw


Arresto Menor
katang17@yahoo.com wrote:sana maging lesson na sa iyo yun pareho tayo ng pinagdadaanan, ang buhay ay parang gulong di naman natutulog ang Dyos. para na rin sa ikakatahimik ng loob mo pakawalan mo ang galit mo at ipagdasal mo namalagpasan mo ang problemang hinaharap mo ngayon ang tao pag ayaw wala kang magagawa kundi patawarin sya sayang ang panahon na ubusin mo ang sarili mong panahon na dapat nakatuon sa kaligayahan nyong mag ina .walang nananaig na galit at kasamaan sa mundo di habang buhay pwede nyang iwasan ang mali na ginawa niya balang araw magsisisi din yan at tao lang tao para magpatawad may kabilang mundo pa na kanyang pagbabayaran.kawawa lalo ang anak mo pag pinilit ang bagay na di na maari.isipin mo mabuti ito ba ay dapat pa bang bigyang pansin?ninanakaw lang ng galit mo ang dapat na panahon mo sa iyong anak

I salute you katangi17! Life is too short to live with hatred. Release all the anger and move on by then you will receive true peace and happiness .Just look at the other side of the coin you have a beautiful child which is a blessing from God other people want to have but they can't.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum