Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

asking lang po...

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 asking lang po... on Tue Jul 12, 2011 10:00 am

aruba


Arresto Menor
mag tatanong lang po kung tama po ba na ang school principal pwede kasuhan ng public scandal ang isang ina tulad ko....ikukuwento ko po kung ano ung nangyari.. maglulunch time na po sa school (public)na pinapasukan po ng anak ko.. nakarinig po ako na hinahanap po ako ng mga classmates na anak ko. dahil umiiyak po ang anak ko (8years old)dahil kinagat nung anak ng teacher na (5 years old) ang anak ko..so nakita ko nga na may sugat sa hita ang anak ko..naghanap po ako ng alcohol para i first aid ko..ni di ko kinausap ung bata gumagat sa anak ko dahil bata nga po un... so naglulunch na po ang anak ko sa tapat ng room ni teacher ang anak ko,lumapit po sa amin si teacher at inalam nga po ung nangyari..so sabi ko ok na po teacher nilagyan ko na ng alcohol baka kc ma rabies..ang sagot po niya "ano palagay mo sa anak ko" at sinabi ko naman eh lahat naman merun nun..umalis si teacher at pagbalik kasama niya ung anak niya na umiiyak at pinagpapalo at sampal niya ung anak niya para mag sorry lang sa anak ko at sinabihan pa niya na gusto mo bang alisin ko ang mga ngipin mo yan sa harap nila.( binanggit po niya mga names po namin) habang pisil pisil niya ung mukha nung anak niya..at sa sobrang takot po ng anak ko halos magsuka sa takot ang anak ko.. at sinasabi pa niya na ipapatignan namin sa ospital ang kinagat ng anak niya..sabi ko po wag na kc nga nalagyan ko na ng alcohol...di sya pumayag at sinundan niya ang anak ko sa CR at sinabihan niya na ipapatignan niya sa ospital ang anak ko..ang ginagagalit ko po kailangan po ba niya saktan ang anak niya sa harap namin mag ina ( o para ipamukha at maguilty kami)..at ang anak ko po ay patakbong paalis sa school ni di ko po alam kung san pupunta o masasagasahan ang anak ko sa sobrang takot at patakbo umalis,hinanap po ni teacher ang anak ko pero di namin makita.. at ung kapatid ni teacher na lalaki (na teacher din )ay nag salita po na a"ako ang magbabayad sa ospital" sa sobrang inis ko sinagot ko siya na di ko kailangan ang pera niya dahil may pera ako..na pataas na ang boses ko po..at sinabihan ko siya na shut up! nagalit po siya sa akin ung kapatid ni teacher dahil tinaasan ko daw po ng boses.ang side ko po natataranta po ako dahil ang anak ko di po namin makita..at ang yabang pa po nung kapaitd ni teacher na,cge nga kausapin mo ako sa English.. dahil nag shut up daw po ako..tapos english po sya ng english.. at minamaliit niya ako mabuti..nakausap ko po ang anak ko sa cellphone at nakauwi na daw po siya ng bahay..salamt naman po at walang nangyari masama sa anak ko...sinundo ko po ang anak ko sa bahay para pumunta ng ospital..so nagkita po kami sa ospital at sinabi ng doctors na ok lang un walang dapat ipag alala.dahil wala naman po rabies angmga tao..lalo na kung di ito nakakagat ng aso.. kinausap ko po anak ko kung bakit siya tumakbo palabas ng schoo..ang sagot po niya takot siya sa nakita ginawa nung teacher niya.. lumapit po kami sa principal ng school ang gusto po sana namin eh ipagharap niya kami nung 2 teacher na naksagutan ko.di po pumayag ang principal dahil mainit pa daw po ang sitwasyon.. at baka daw po mabaliktad ang sitwasyon at ako daw po at makakasuhan ng school premises..ano po kaya dapat ko gawin? salamat po

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum