Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

asking lang po...

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 asking lang po... on Tue Jul 12, 2011 2:12 pm

aruba


Arresto Menor
mag tatanong lang po kung tama po ba na ang school principal pwede kasuhan ng public scandal ang isang ina tulad ko....ikukuwento ko po kung ano ung nangyari.. maglulunch time na po sa school (public)na pinapasukan po ng anak ko.. nakarinig po ako na hinahanap po ako ng mga classmates na anak ko. dahil umiiyak po ang anak ko (8years old)dahil kinagat nung anak ng teacher na (5 years old) ang anak ko..so nakita ko nga na may sugat sa hita ang anak ko..naghanap po ako ng alcohol para i first aid ko..ni di ko kinausap ung bata kumagat sa anak ko dahil bata nga po un... so naglulunch na po ang anak ko sa tapat ng room ni teacher ang anak ko,lumapit po sa amin si teacher at inalam nga po ung nangyari..so sabi ko ok na po teacher nilagyan ko na ng alcohol baka kc ma rabies..ang sagot po niya "ano palagay mo sa anak ko" at sinabi ko naman eh lahat naman merun nun..umalis si teacher at pagbalik kasama niya ung anak niya na umiiyak at pinagpapalo at sampal niya ung anak niya para mag sorry lang sa anak ko at sinabihan pa niya na gusto mo bang alisin ko ang mga ngipin mo yan sa harap nila.( binanggit po niya mga names po namin) habang pisil pisil niya ung mukha nung anak niya..at sa sobrang takot po ng anak ko halos magsuka sa takot ang anak ko.. at sinasabi pa niya na ipapatignan namin sa ospital ang kinagat ng anak niya..sabi ko po wag na kc nga nalagyan ko na ng alcohol...di sya pumayag at sinundan niya ang anak ko sa CR at sinabihan niya na ipapatignan niya sa ospital ang anak ko..ang ginagagalit ko po kailangan po ba niya saktan ang anak niya sa harap namin mag ina ( o para ipamukha at maguilty kami)..at ang anak ko po ay patakbong paalis sa school ni di ko po alam kung san pupunta o masasagasahan ang anak ko sa sobrang takot at patakbo umalis,hinanap po ni teacher ang anak ko pero di namin makita.. at ung kapatid ni teacher na lalaki (na teacher din )ay nag salita po na a"ako ang magbabayad sa ospital" sa sobrang inis ko sinagot ko siya na di ko kailangan ang pera niya dahil may pera ako..na pataas na ang boses ko po..at sinabihan ko siya na shut up! nagalit po siya sa akin ung kapatid ni teacher dahil tinaasan ko daw po ng boses.ang side ko po natataranta po ako dahil ang anak ko di po namin makita..at ang yabang pa po nung kapaitd ni teacher na,cge nga kausapin mo ako sa English.. dahil nag shut up daw po ako..tapos english po sya ng english.. at minamaliit niya ako mabuti..nakausap ko po ang anak ko sa cellphone at nakauwi na daw po siya ng bahay..salamat naman po at walang nangyari masama sa anak ko...sinundo ko po ang anak ko sa bahay para pumunta ng ospital..so nagkita po kami sa ospital at sinabi ng doctors na ok lang un walang dapat ipag alala.dahil wala naman po rabies ang mga tao..lalo na kung di ito nakakagat ng aso.. kinausap ko po anak ko kung bakit siya tumakbo palabas ng school..ang sagot po niya takot siya sa nakita ginawa nung teacher niya.. lumapit po kami sa principal ng school ang gusto po sana namin eh ipagharap niya kami nung 2 teacher na naka sagutan ko.di po pumayag ang principal dahil mainit pa daw po ang sitwasyon.. at baka daw po mabaliktad ang sitwasyon at ako daw po at makakasuhan ng school premises..ano po kaya dapat ko gawin? salamat po

View user profile

2 Re: asking lang po... on Tue Jul 12, 2011 7:12 pm

rchrd


moderator
Sa impresyon ko po eh wala kayong balak magdemanda at gusto niyo lang maliwanagan at maayos ang lahat. Kung tama po ako, magandang sundin natin yung sinabi ng School principal na palamigin muna ang sitwasyon.

Magandang patnubayan muna ninyo ang inyong anak para di siya lumaking may takot o galit sa mga teacher na nasangkot. If needed, transfer your child to another school. Sa yo personally, ituloy mo lang na lawakan ang pang unawa sa mga taong mas mababa ang pananaw kesa sayo.

God bless.

As for the legal aspect, the teachers can be charged in many ways: Administrative case for their conducts unbecoming as professionals and public servants; Civil case for damages (anxiety and psychological effects of their violent conduct) and Criminal for unjust vexation or violence against women and children (VAWC - they are teachers of the school having substitute parental authority over your child). Avail of any or all of these remedies only when they still do not learn and show remorse after the cooling off period asked by the principal.

I hope i am of help.


View user profile

3 Re: asking lang po... on Wed Jul 13, 2011 8:59 am

aruba


Arresto Menor
wala po ako balak magdemanda,gusto ko lang mapakita sa mga teachers na gumawa sa amin ng ganun,eh sila ung mali at di po tama ung pinakita sa harap ng anak ko ung pananakit po niya sa anak niya..pero kung sila pa ung mayabang at maapektuhan po ang grades ng anak ko saka po ako gagawa ng action laban sa kanila..pero pinangako po ng school principal na di maapektuhan ang grades ng anak ko po.malalaman din po namin un sa mga darating na araw... salamat po ng marami malaking tulong po kayo sa amin lalo na sa mga tao di po nakakaintindi sa mga BATAS..

View user profile

4 Re: asking lang po... on Wed Jul 13, 2011 9:04 am

aruba


Arresto Menor
kung magdedemanda po ako,ano naman po ang kontra demanda po ang pwde nila ikaso sa akin? salamat po ulit

View user profile

5 Re: asking lang po... on Wed Jul 13, 2011 1:07 pm

rchrd


moderator
Sa Civil case for damages, pwede po nilang baligtarin at sabihing kayo ang nag-cause ng damage sa kanila.

View user profile

6 Re: asking lang po... on Wed Jul 13, 2011 3:08 pm

aruba


Arresto Menor
dahil nga po sa school premises?kahit marami po ang nakakakita o nakakita sa ginawa nung teacher na sinaktan niya ung sarili niya anak?palagay po ninyo bakit po niya ginawa un sa sarili niya anak sa harap po namin? at may ganun po pala teacher na kaya niya saktan ung sarili niya anak sa maraming tao..un po ung di ko matanggap bilang isang magulang...salamat po ulit..

View user profile

7 Re: asking lang po... on Thu Jul 14, 2011 1:54 pm

rchrd


moderator
Tungkol dun sa anak niya, meron ding pananagutan ang teacher/nanay sa kanyang anak - Anti-Violence Against Women and Children ang naviolate niya. Pwede siyang kasuhan dun that might result in temporary custody of the DSWD over the child and counselling of the mother (but could be worse) depending on how her counsel will handle the matter.

View user profile

8 Re: asking lang po... on Fri Jul 15, 2011 8:56 am

aruba


Arresto Menor
thank you po talaga..ang dami ko po natutunan tungkol po sa batas natin...

View user profile

9 Re: asking lang po... on Fri Jul 15, 2011 9:28 am

aruba


Arresto Menor
ok na po ako para sa akin e wala na un..basta wag lang siya uulit...
pero kanina po hinatid ko ang anak ko eh eto nanaman siya( teacher ng anak ko) di ko po ugali ang pumasok sa room po ng anak ko pero napilitan ako pumasok dahil mabigat po ang bag ng anak ko para di po mahirap bitbitin sa loob ng room ung bag ng anak ko po,,eh si teacher nasa pinto pinagmamasdan ko ang anak ko kung ano reaction niya kung magkakalapit kami ng teacher niya sa pinto..kita ko sa mukha ng anak ko na may takot pa rin at gumagawa ng dahilan para di ako pumasok sa room nila.. pilit po kinukuha ng anak ko ung bag niya sa akin pero di ko binigay kaya ako ang pumasok at nagtanggal pa nga po ako ng slipper at ng sabi excuse me...nung nasa pinto na po ako bigla nag salita ung teacher na EXCUSE me (binanggit po niya name ko)may tono na galit at parang mag aaya naman siya ng away..ang sabi po niya eh BAWAL PUMASOK DITO SA ROOM.. at tumingin po ako sa kanya at sinabi ko po na mabigat ang bag ng anak ko.. at pinabitbit ko nga po sa kanya para alam niya na totoo ang sinsabi ko..sa susunod daw eh sa kanya ko na lang ipapabitbit ung bag ng anak ko..pero ang buwelta ko sa kanya.. bakit si ganito ( kananay po namin or ibang magulang)nakakapasok dito sa room? sagot po niya eh nakikidaan lang un.. ang sabi ko po eh nakita ng husband ko na ung nanay na nakapasok dito eh nang aayos ng gamit ng anak niya..bakit ako di pwde? di daw po niya napansin na nakapasok daw po ung isang magulang..at sinabi ko po sa teacher ng anak ko na "tama na at wag kang mag umpisa..at sinabi ko din sandali lang po at kakausapin ko lang anak ko..(ang anak ko eh nakikita niya na nag uusap po kami).. at sinabi ko sa anak ko na "anak nag uusap lang kami ng teacher mo para mag ayos na kami ah..( dahil may exam po ang anak ko kaya ayaw ko maguluhan ang isip po niya)at ung tuwa ng anak ko eh kitakita ko at ng teacher niya..na masaya siya at parang nawala ung takot niya..at sinabi din ni teacher na OO nag uusap lang kami ni mommy ah.. di na kami mag aaway..at mula nun medyo bumaba na ung tono ng boses niya at sinabi na iba nga daw ung ngiti ng anak ko..at sinabi ko po na totoo truma ung nangyari sa anak ko.un nag kasundo rin po kami na walang kami paniniwalaan sa tsismis na dumarating sa amin..at kung maari kami na lang 2 ang mag uusap..sabi nga po niya kung alam niya na ganun daw po ung mamngyayari before sana daw nag usap na lang kami ng 2.sabi ko nga po sana kinausap mo ako sa faculty or sa room mo kahit mag kulong tayo dun.. walang problema sabi ko po.. ok na po kami sa ngayon. Very Happy salamat po ng marami talaga! Wink

View user profile

10 Re: asking lang po... on Mon Jul 18, 2011 1:10 pm

rchrd


moderator
Aruba

Glad to hear that good news ma'am. The Lord will bless both of you as he promised that blessed are the peace makers.

View user profile

11 Re: asking lang po... on Thu Aug 18, 2011 7:54 pm

aruba


Arresto Menor
hello po ulit... napag alaman ko po na nung minsan na nagpa meeting po ung principal po namin sa mga teachers.. binanggit po niya sa meeting ung nangyari sa amin nung teacher ng anak ko..ang kaso po parang binaliktad po niya ang sitwasyon na ako daw po ung nagpupumilit na ipaturok ng anti rubies ang anak ko,e napaka linaw na ung teacher ng anak ko ang pumipilit sa amin..sinabi pa niya ung buong surname ko sa meeting..na alam ng lahat ng teachers dun dahil nagturo po dun ung mother inlaw ko sa school na un before...ano po kaya dapat ko gawin? salamat po ulit.

View user profile

12 Re: asking lang po... on Sun Aug 21, 2011 8:36 pm

rchrd


moderator
Don't make an issue out of the misleading recollection of the story. Pwedeng nakalimutan lang pero magandang tumahimik na lang po kayo at nang di pa maging sakit ng ulo ninyo.

Enjoy a peaceful life. That is something money cannot buy.

View user profile

13 Re: asking lang po... on Tue Aug 23, 2011 10:32 am

aruba


Arresto Menor
Very Happy thanks.. tama po kayo bahala na po ang DIOS sa kanila..

View user profile

14 Re: asking lang po... Today at 1:50 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum