Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

HELP legal advice (badly needed po)

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 HELP legal advice (badly needed po) on Wed Jul 27, 2011 3:08 pm

musmus28


Arresto Menor
Sir, may ask lang po ako tungkol sa karapatan po nang aking father in law sa lupa na kinatitirikan po nang bahay nila. Ganito po kasi yun, last March 17 or 18 nang taong ito po kasagsagan nang ulan o bagyo po ata yun, binaha po kami dito sa taas nang bahay, kasi po yung alulod po namin sa likod bahay ay natabunan po yung dulo nang lupa.. Hindi po namin alam kung sinadya po ba yun o hindi.. Kasi po naghuhukay po yung kapatid (k1) nang father in law ko sa likod bahay.. Dahil po sa nangyari nagtanung po yung father in law ko sa kapatid nya bkit natabuna, ang nagyari po nagkasagutan po sila at sinabihan po nang masasamang salita ang aking father in law.(panganay po pala sa magkakapatid ang father in law ko po), dahil po insedente na yun, noong March 23, 2011 nagulat na lang po kami bigla nya po pinasurvey ang lupa na kinatitirikan nang mga bahay po, (bale 3 po silang magkakaptid na nakatira sa lupa) nung nalaman po nang father in law ko po pinuntahan po nila ang Engr. na sumukat at pinahold po, at sabi mag usap usap po sa brgy kasi d naman po pede na basta basta nya po gagawin yun. Tapos po nung nasa brgy na po may pinakita po siya na weaver na galing daw po sa kanilang ama na sa kanya daw po pinamamahala ang buong lupa. (ang lupa po ay naka portion po sa 2 tao lang sa faher in law ko at sa isang kapatid(K2) nya po. Bale 125 sq meters po yung nalalagay sa portion po nila. Ngayon po ginigiit po ni K1 na right of way daw po nya yung aming daan. At ang mangyayari po kulangkulang 94 sq meters na lang po ang matitira sa father in law ko. Lhat po nang bahay ay nakaharap sa kalsada. At yung kay K2 eh 24 sq meters na lang sa kanya na may tagging naman po siya. Ngayon po pumunta po kami sa LBM para magtanung sa problema namin kasi po ang gisto nya kung hanggang saan daw po ang bubong nya kanya din daw po ang lupa na yun. Ang sabi po sa LBM hindi daw po pede yung kasi may mga tagging po yung father in law ko ata s K2, maari daw po hatiin sa equal porting ang lupa kasi 3 po silang nakatira dun, Si K1 po pla ay walang tagging na naka file sa LBM sapagkat may sarili po siyang lupa dati at iyon po ay benenta nya at tumira po siya sa tabi nang bahay nang father in law ko. Ang problema po namin d po siya nakikipag usap sa amin, ang nanyayayari po di na daan nya po sa sindakan, Nung friday ( july 22) nga lang po nag kasagutan po sila ni K2 kasi nag paparinig po si K1 na may tatagain daw po siya, ung unang lumabas daw po sa gate namin. At kinabukasan july 23) eh yung father in law ko naman po ang kayang nakasagutan at sinabihan po nang masasamang salita pati ang mother in law ko, "mga demonyo daw po kami!"
Sir kung di po ba namin maayos sa pag uusap sa brgy maari po ba naming ikorte kasi ang gusto lang namin eh matituluhan ang portion na naka tagging sa father in law ko po at hindi po maging right of way yung gilid namin dahil magpapatira po siya nang boarders at sa gate po namin cla dadaan. Paano po kung pag salitaan po niya uli kami nang masasakit lalo na po ang father in law ko at mother in law ko may laban po ba kami? Maraming salamat po.. Hihintayin ko po ang inyong kasagutan Salamat po


PS.

Ngayon po ay galing po kami nang Brgy kasi po pinasummon nya po ang father in law ko po, sa kadahilanan na ayaw daw po magparaan at pinapaalis nya po ang mga excess na yero at alulod, bakante po yung likod pero last march po sinaraduhan na nya po. Ang advice po sa amin nnag brgy mag uusap po uli sa Friday at kung anu ang mapag desisyunan, Ipapasa daw po nila kami sa Land Bureau Management for proper subdivision. At may pinapakita po siya na weaver na galing sa father po nila but kami po ay may duda na peke po yun. Anu po ang laban namin sa LBM kasi po may nilalapitan po siya na ENGR dito sa amin na maraming kakila sa LBM. (ang gusto lang po namin ay maibigay yung tamang hati sa amin at mapatitulohan po namin yung lupa na kinatitirikan nang aming bahay) Maraming salamat po

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum