Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

utang sa 5-6

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 utang sa 5-6 on Sat Aug 13, 2011 7:49 am

dara_patricia


Arresto Menor
Hello po, pwede pong patulong patungkol sa naging sitwasyon namin sa pagkakautang sa 5-6.

Umutang po kami ng asawa ko sa kapitbahay namin na 5-6, pumirma na ibabalik po after 1 week pero di po natupad kci nadelay ang payment ng nagka utang din sa amin, may karapatan po bang kunin ng pinagkakautangan namin ang pangalan at address ng may utang sa amin to verify na totoo ang sinasabi namin, nag tetext na po kung ano ano nang pagmumura ang ginagawa nya, naninigaw, kahit sa daan, naniningil. di naman namin deny ang pagkakautang kaya lang po nagipit din kami. Sabi po namin sa pinagkakautangan namin magbabayad kami antay lang. namimilit po sya na magbayad na kami. tapos may pinapapirmahan syang document na certification na nagkautang kami at di kami nakatupad sa unang usapan, dahil dun may iinterest ng 10% kada 10 araw ang principal, at nakalagay pa na t" this certification issued for whatever legal action it may serve.

Tanong ko po:

1. Tama po bang kunin nya ang name/address ng sinisingil namin?

2. Dapat po ba naming pirmahan ang certification sa patotoo na talgang inutang namin ang pera, pero ung 10% kada 10 araw was not discussed with us, nalaman na lang nung stated na sa document.

3. Ung pag mumura nya at pagpapahiya sa amin sa harap ng bahay, sa daan, sa text para sa paniningil nya, ano po ang dapat gawin

Ayaw po namin ng gulo, pero sobra nang pang iinsulto ang ginagawa nya. Nakikiusap naman kami na nadelay lang ang payments sa amin kaya nadedelay din ang bayad sa kanya, pero magbabayad po kami, prior po nakakabayad naman kami, ngayon lang nagkanda delay delay na.

4. Yung prior na pinirmahan namin sa kanya nung umutang kami, pwede ba gamitin to take action against us for legalities at sabi pa na gagawin daw nyang malaki ang utang namin.

5. Ano po ang pwedeng legal action against sa kanya, sobrang pangungutya at pang iinsulto ang ginagawa nya. Di naman namin deny na nagkautang kami, magbabayad kami, na delay lang. Sobrang nakakababa ng moral ba ang mangutang?

Need your help on this matter. Thank you.

View user profile

2 Re: utang sa 5-6 on Sat Aug 13, 2011 10:27 pm

rchrd


moderator
1. Tama po bang kunin nya ang name/address ng sinisingil namin?
- Nasasa inyo po yan. Kaya naman niya tinatanong yan dahil sabi ninyo ay may nagkautang sa inyo. Sinusubukan niya kung totoo nga ang sinasabi ninyo. Walang masama na malaman niya yan. Kungt pwede ngang pagkasunduahan na siya na lang ang diretsong maningil sa nagkautang sa inyo eh di nawalan pa kayo ng sakit ng ulo sa pagsisingil.

2. Pwede ninyong pirmahan ang patotoo na may utang kayo bastat tanggalin yung hindi ninyo napagkasunduan.

3. Habaan na lang po ninyo ang pasensya ninyo habang may utang pa kayo para hindi lumala ang problema ninyo. Pwede kayong magdemanda pero may pera siya at kayo wala. Yung perang para sa pagdedemanda sana ninyo, gamitin na lang ninyong pambayad sa kanya para matapos na ang problema ninyo. Sakit sa bulsa ang may kaso kahit hindi ikaw ang may kasalanan.

4. Yung prior na pinirmahan namin sa kanya nung umutang kami, pwede ba gamitin to take action against us for legalities at sabi pa na gagawin daw nyang malaki ang utang namin. - Yan naman po talaga ang gamit ng pinipirmahang kontrata. Isulat para may ebedensya kung magkakakaso. Yung gagawing malaki, pwede niyang sabihin yan pero pwede naman ninyong i-prove that the amount is not that high. The court will later decide on whoever is believable.

5. See no. 3. "Nakakababa ng moral(e) ba ang mangutang?" Depende po yan sa pakiramdam ng nagka-utang. Meron pa ngang ipinagyayabang na may nautang sila eh.

View user profile

3 Re: utang sa 5-6 on Sun Aug 14, 2011 7:31 am

dara_patricia


Arresto Menor
Hi po mr. moderator, salamat po sa pagsagot nyo sa aking mungkahi. Samakatuwid po, pabor sa nagpapautang ang mga karapatang pang tao na pag may utang ka kelangan magpakumbaba kahit na tinatapakan na ang pagkatao mo, kaci may utang dapat tanggapin ang mga insultong matatangap.

View user profile

4 lagda sa dukomento on Wed Aug 17, 2011 10:59 am

dara_patricia


Arresto Menor
Atty good day po.. Ask ko lang po kaci may pinapapirmahan sa amin na "certification" ng pagkautang sinasabi ang term na 10% every 10 days at yung amount ng utang amounting to 6k.

1.) Dapat ko po bang pirmahan yun sa pag accept na may utang kami? ano po ang dapat kong gawin?
2.) Tuwing nagtetext po sya dapat ba talgang sagutin? tama lang po ba na sabihin na wala pa akong pambayad ngayon, antay lang?
3.) Tama bang certification ang ilagay sa heading ng pag accept ng utang?

antay ko po ang tugon sa mga katanungan ko atty.

salamat.

View user profile

5 Re: utang sa 5-6 Today at 12:10 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum