Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

help.i need legal advice..

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 help.i need legal advice.. on Mon Aug 15, 2011 1:21 am

ennayam05


Arresto Menor
sa kung sinoman ang makakabasa ng message kong ito..
Ako po si May Anne Reyes a college student from Quezon. Nais ko po sanang humingi ng legal advises mula sa inyo.
Year 2005 po ng masampahan ng kasong estaffa ang mga magulang ko ng dating nilang amo na may ari ng junkshop. Nakulong po ang mga magulang ko pero nakalaya din sa pamamagitan ng cash bond at surety bond. Bago po kasi sila umalis sa amo nila ay pinapirma sila nito ng blangkong papel at yun po ang ginamit nila na ebidensya ng dati nilang amo, na diumano’y tumanggap sila ng 150,000php in cash pero itinakbo daw po nila ito. Pero biktima lang po ang mga magulang ko. Dahil bago pa sila nakaalis sa poder ng kanilang amo ay nakasagutan ng aking ama ang amo nila.
At hanggang sa ngayon po ay patuloy pa din ang hearing nila. Ang Public attorney (Atty. Arboleda) po ang nasa aming panig. At hanggang sa ngayon po ang naisasalang palang ay ang kaisa-isa nilang witness at yung amo nila. Hindi pa man po naisasalang ang aking mga magulang ay tinapat na kami ni Atty. Arboleda na mahina ang laban nila nanay. Na malakas ang hawak na ebidensya ng amo nila. Kaya isinuhestyon ni Atty. Na umamin na lang ang aking mga magulang pero under probation daw po kaya hindi sila makukulong. Pero nangangamba pa din po ako para sa mga magulang ko at ang isa pa po niyang sinabi ay bayaran na lang din ng mga magulang ko ang halagang 150,000php ng hulugan. Pero mahirap lamang po kami at ang nasa isip ko po ay bakit kami magbabayad gayung hindi naman itinakbo ng mga magulang ko ang ganun kalaking halaga, ni hindi nila ito nahawakan man lang. Mahirap lang kami pero nabubuhay kami sa paraang marangal.
At ang isa pa po, matagal ng hindi nakakadalo ang kanilang witness. Ayon sa nabalitaan ko po ay may kanser na daw ito. Ano po ba ang mangyayari kung hindi na nakakadalo ang witness ng mga nagsampa ng kaso? At palagi din pong narereset ang hearing ng aking mga magulang kasi po nagretired na ang dating punong hukom namin. Maari po ba naming ipa speady trial ang kaso nila nanay? At ano nga po ba ang makabubuting gawin ng aking mga magulang?
Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang pagsagot niyo sa aking mga tanong. Ngayon pa lang po ay nag-papasalamat na ko sa time na iniukol niyo sa pagbabasa ng e-mail kong ito.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum