Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

false accusation / grave threat / harassnment

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

kopiyana


Arresto Menor
hi .. gusto ko lang i-consult to and malaman anong position namin sa kasong to ...

pinagbintangan ako ng kaibigan ko na ninakaw ang camera nya. nung panahong nangyare yun, sobrang lasing sya at walang malay. yung bf nya lang ang nagsabi na nakita nya na ako ang kumuha. may isa pa silang witness na hindi ko nakita sa bahay nila nung gabing yun. may isa akong kaibigan na kasama at alam nya na wala akong dalang camera nung umalis kami sa bahay nun kaibigan ko at hinatid ako sa bahay namin... na-confirm ko din ito nun kinausap ko sya. pero, nung kausap na nya yung kaibigan ko, sinabi nya na may nakita nga syang dala ko.

wala akong ibang kasama nun panahon na yun .. at lahat ng nasa bahay nun bf ng kaibigan ko ay inaakusahan ako na kumuha o nagnakaw ng camera nya. hinatid ako ng common friend namin hanggang sa sakayan ng tricycle w/c is 10 min away sa bahay ng bf ko ... bf ko lang ang witness ko at ang maid nila na wala talaga akong dala na camera nang umuwi ako ... at impossible din naman na ma-dispose o benta ko yun in 10 minutes at sa disoras ng gabi (approximately 3am).

pinipilit nila na ilabas ko ang camera na hindi ko kinuha ... myembro ng gang ang bf ng kaibigan ko at binantaan nya ako at ang pamilya ko. kahit na po ba indirectly pwede pa ding masabi na grave threat ito? ang exact na sinabi nya ay "alam mo ang kaya naming gawin" ... madame na pong kaso itong taong ito tulad ng pagnanakaw at pananakit ... pinuntahan nya din po ang bahay namin kasama ang kapatid nya at mga barkada nya nung madaling araw kinabukasan ... inereklamo na po namin sila sa bgy ... pero lahat ito ay dinedeny nila ... ilang beses po sila tumawag sa bahay kahit na disoras na at pati po sa mga cp ng kapatid ko ay nanggugulo sila .... nirarason nila na hindi namin inaangat ang cp kaya proof daw yun na nagtatago ako ... hindi po ba karapatan ko din or namin na hindi angatin ang tawag lalo na't nakakagulo sila at alanganing oras yun? sabi din po sa amin ng bgy eh kelangan muna magkaron ng 3 pagdinig sa bgy hall bago umabot sa korte ... at ang pagitan ng mga pagdinig ay 1 wk .. masyado po itong matagal para sa amin at ngayon palang ay ginugulo na kami ... kelangan po ba namin mag antay talaga ng 3 pag dinig?

nagpost din po itong bf ng kaibigan ko na nagsasabi na nakita nyang ninakaw ko ang cp ... sa post po nya ... hindi nya po sinabi pangalan ko pero sinend nya ito sa mga nagtanong thru personal message .... sa mismong post ding po iyon ay nagsabi ang mga ka-gang nya na ipaparape ako .. sasaktan kami ... guguluhin ang buhay ... at idadamay ang pamilya ko ...

pwede ko po bang gamitin na evidence yung screenshot ng post nya kahit na hindi nilagay ang pangalan ko?

kung meron silang mga witness na nagsasabing nakita talaga ako .. pano po mapapatunayan na wala talaga akong kinukuha kung ang witness ko ay bf ko lang na nakasama ko lang nun umuwi na ako at hindi sa mismong pangyayare?

ano pong laban ko sa kasong to? nasisira at nagugulo na po kaming pamilya ... kilala sa lugar namin na mga adik at nanggugulo ang mga taong to ... at may mga kasama sila na di namin kilala na pwede ding manggulo sa amin ... nahihirapan na po kami ... at nababhala na baka paglabas namin isang araw eh may mangyaring masama sa amin ... pwede ho ba namin sila unahan ng kasong grave threat /harassment ... at pag nagsampa na sila ng kaso laban sa amin ay magsasampa din kami ng false accusation?

salamat po ... at sana ay matulungan nyo ako

View user profile

attyLLL


moderator
so did they actually file a case against you?


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

kopiyana


Arresto Menor
yes .. they did ... and we will file a case against them for grave threat ... would really appreciate your advice on this. ano po bang laban ko sa kaso na to? and kung may mga witness sila na dinidiin na kinuha ko kahit hindi naman .. pano po ako na wala namang witness? ang laban ko nalang eh hindi ko kakailanganin magnakaw para magkapera ... but i dont think pwede yun iconsider right? and yung mga threats nila .. palala ng palala everyday and naapektohan na ang family and mga friends sa paligid ko ...

thank you

View user profile

kopiyana


Arresto Menor
sana masagot mga tanong ko at malaman ko kung ano kinalalagyan ko Sad

View user profile

attyLLL


moderator
which complaint will prosper depends on the evidence that is provided. is this filed at the prosecutor's office or at the bgy?


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

kopiyana


Arresto Menor
maraming maraming salamat sa pag entertain ng tanong ko atty ..

the case was filed in the bgy ... pero inaayos na din daw yung sa prosecutor ...

tama ho ba na kahit may mga sinasabi silang witness pero kung di matibay ang ebidensya eh may chance na mapawalang sala ako? ,,, may mga nag advice din sa amin sa police station na karaniwang modus din ng mga frat na yun ang ganung kaso para makipag areglo ... nung una ho kasi puro pang aareglo lang ang gusto nila ... bayaran ko ang camera na di ko naman talaga kinuha ... pero nun nagkagulo na ... at nagsabi kami na idedemanda sila sa panghaharass nila sa amin ... dun lang sila nagfile ...

sobrang ipit po talaga ako sa sitwasyon na to .... ang witness ko lang na wala akong dalang camera ay ang boyfriend ko at ang maid nila ... disoras na ng gabi yun at impossible na maibenta ko yung ganung klaseng camera agad ...

salamat po ... malaking tulong sa akin na may nakukunsulta na tulad nyo ....

tama din po ba na grave threat din kung pinapaamin nila ako sa isang bagay na di ko talaga ginawa?

View user profile

attyLLL


moderator
i'll be surprised if the do indeed have a witness willing to perjure himself. if so, you'll just have to rely on what evidence you have and attack what they submit.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

annefillarca


Arresto Menor
magandang gabi poh, May sumugod po kasi sa bahay namin na lasing tapos pinagmumura po kami ng ate ko... pasugod sana ulit siya sa may bakuran namin ng makita niya na may hawak na akong kahoy, tapos pinagmumura pa rin kami hanggang pinapalapit kami sa may basketball court, kinakausap siya ng mama ko ng akmamng susuntukin niya, ung hawak ko pong kahoy ay ipapalo ko sa kanya naagaw niya poh, nasuntok siya ng mama ko hanggang matumba siya, malaki po ba ang laban nami doon? may tumitestigo po kasi na pinalo ko raw po siya sa ulo, puro babae po kami at lasing po ang naghahamon ng away. Tapos bumalik pa siya sa bahay namin, pinababantaan po kami, " ubusan na lang daw po ng lahi" malaki po ba ang laban namin? maraming salamat po

View user profile

attyLLL


moderator
anne, it has to be filed first in the bgy. you should file a counter suit of oral defamation and alarm.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

mariposa35


Arresto Menor
Good evening po.
Atty, sana po matulungan nyo po ako..kasi po pinagbibintangan po ako ng gf ng pinsan ko na pinagbabantaan ko dw buhay nya thru texting. e dko po alam number nila paano ko po sila matetex ng ganun. e sila po una nagtex sakin pero d po ako nagrereply parang reverse psychology po gawa nila pero dedma pa din po ako.
balita po kasi nafile po sila sa prosecutor office sa bacoor, taga silang cavite po ako.at magwait lang po dw ako ng subpoena na darating sakin at grave threat po ikinaso sakin..
wala naman po talaga ako tinetex na ganoon,false accusation po ginagawa nila at paninirang puri..
ano po ba dapat ko pong gawen..wala pa naman pong dumarating na subpoena sakin..
saka me ipinapakita po sila sa iba na ako po dw nagtex nun e hindi ko nman talaga number yun tapos po nakalagay po dun ang pangalan ko na nagbabanta sa gf ng pinsan ko.at hindi rin po match sa number ko.inaakusahan nila ako na bumili po dw ako bago sim at yun po daw used ko.ilang araw na po akong stressed dahil sa mga ginagawa nila sakin kasi po hindi po totoo yun pag aakusa nila sakin..sana po matulungan po ninyo ako.thank you po.Godbless.

View user profile

attyLLL


moderator
what is your question?


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

mariposa35


Arresto Menor
Atty
question ko po, me basehan po ba sila na kasuhan ako grave threat tapos wait po daw at me darating po sa akin daw na subpoena.
kung talaga nman pong di nman po ako nagtetext sa kanila. tapos sinasabi po nila derecho po agad sa higher court at di na need idaan sa brgy. para po sa akin wala naman po sila talaga evidence na ako po yun.saka po iisa lang number ko at di ko po alam number nila.kaya paano po ako makakapagtext at magbabanta ng buhay..please help me po.sila po nagtetext sakin pero di po ako nagrereply kahet isa.
Thank you po.

View user profile

attyLLL


moderator
why not just change number so you don't have to receive their texts. nothing you can do but to wait for the subpoena or you can go to the prosecutor's office and inquire if there is any case filed against you.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

kwerky


Arresto Menor
kapag po ba may nag tthreat na pupuntahan ako sa lugar ko, which made me feel unsafe, pwede ko ba sya ipablotter? Buntis po ako 7mos. and natatakot ako for my safety. Mukhang basagulera atpala-away talaga yun tao na nagbanta saken e.

Salamat po

View user profile

attyLLL


moderator
if all they said is pupuntahan ka, then imo, that is not a crime.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

kwerky


Arresto Menor
aside from that lagi nya ako sinasabihan na BE CAREFUL... wala naman specific na sinasabi san ako magiingat. She also said na she won't let anyone treat her the way i treated her, business related kasi, nabastusan ako sa pagsasalita nya sken so i told her na ayusin na pananalita nya. Ayun sya pa nagalit saken at pinagbabantaan ako na pupuntahan ako samen, dahil hindi sya papayag na pagsalitaan ko sya ng ganun. I dont see any other reason why pupunta sya but para mang-gulo.

View user profile

floriefemedil


Arresto Menor
hello po atty! iam a new member po. i am seeking for advices. i am a public school teacher po.
....ano po bang pwede kong i-file na cases sa taong sinabihan akong BOBO in front of people, at sinabihan akong "ililibing sa sementeryo"? the worst is, he did those things in front of my two kids (5 and 2 yrs. old).
....pwede po ba akong mag file ng libel case?

View user profile

attyLLL


moderator
slander, not libel. and threats. if you live in the same city or municipality, file it in his bgy first.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

susiekee


Arresto Menor
Hello po, Question lang kung anu po pwedeng gawin ko sa nangyari sakin nitong sunday lang.
eto po yung story ko.

Hindi ko alam kung modus to sa mga grocery.
Sunday nag grocery kami with my bf's mother, then may Cart kami. Ikot ikot kami then may dinaanan kami then pag lagpas naming may nahulog.
Hindi naming pinansin dahin malayo na kami, then pabayad na kami biglang may lumapit samin na taga dun at sabi nahulog daw namin yung wall clock then may bengkong siya sa frame.
Sabi namin “hindi kami naka hulog niya pero kung napatunayang niyo na kami naka hulog niyan kami ang mag babayad”
Then may lumapit na IS masungit yung muka sabi niya “e kayo nga po yung naka hulog e kitang kita sa camera”
Sabi ko pakita muna nila basta alam ko wala akong natamaan.
Sabi daw hindi daw pwede, ang witness(mga pomodiser) nalang daw ang mag sasabi, dahil sila daw ang nakakita. Then sabi naming hindi kami mag babayad unless Makita namin! Then ayaw talaga, mdami kaming narinig na masasakit mula sakanila.
Di nila kami trinato ng maayos, trinato kami ng parang criminal sa halagang 315pesos, hinaras kami at sabi papabarangay daw nila kami, hindi pa nila maipakita yung cctv dahil security purpose at hindi pang personal, ang sakin lang panu magiging personal yun? Di naman naming kelangan tignan sa video kung cute kami sa camera or what e. Ang sabi pa ng Manager dun “Pag matinung tao lang e aamin ng kasalanan” anu kami hindi ba matinu yung itchura namin? Itchura siguro kasi di pa kami naliligo that time!
wala daw sinyang tinutukoy, kung wala naman siyang tinatamaan samin di niya kelangan sabihin yun.
Then habang nag hihintay kung anung step gagawin at sinusundan kami ng security at pinag titinginan ng mga tao (nakakahya diba) habang pinakdidikdikan nila kaming mag bayad at nakakarinig kami ng di magandang words mula sakanila!
Sa huli napapayag na din namin yung manager pakita, then sa room nakita nanaman naming yung isang babae na nang harass din samin, nanuod kami ng video pero nag react kami ng bf ko, sabi ng bf ko ang layo! Sabi ko oo nga. Pero yung babae sumabat “ hindi kitang kita naman na pag daan niyo nahulog at nasagi niyo” (w/ sarcastic face at mukang natutuwa pa na dinidiin kami!) Nakalimutan ata na customer kami! At take note nandun yung manager! Then sabi ng bf ko, “tumigil ka na!” then yung babae nag roll eyes sabay taas ng kilay w/ pokwang look na kala mo nag mamataas. Grabe.
Then pinaulit ulit ko yung video pinag aralan ko, then napansin ko lahat ng promodiser ndi nakatingin samin! Walang promo na nakatingin for short! Lumingon sila nung pag bagsak at sakto kami ang pinaka malapit dun. Di nila nakita yung naka white na lalaki na dumaan na parang siniksik yung katawan kasi magkasalubong kami.
Then yung manager bigla nag iba ang timpla, sabi ba naman samin! “ganito nalang po ma’am may 2 options po tayo, nasaamin na daw yun kung anu gusto ko,1st option babayaran namin yung clock. 2nd yung promodiser ang mag babayad. Isip ko that’s it?????? Isip ko may something eto ah. Di naman sila mamimilit ng ganun kung dun lang babagsak e, kasi ang intension nila sa umpisa palang e pabayarin kami.Ilang oras kami pinag tititnginan ng mga tao dun yun lang??????!!! Higit pa sa 2hrs kami nandun na pinag titinginan at nakakarinig nga mga di magagandang words at trinato kaming criminal? total of 3 hrs!
Sabi ko no! Teka labas tayo, sabi ko punta ako sa scene, then kumuha ako ng cart at nag test ako ayos sa pinangalingan ko,ang layo ng cart! Yung stante ng clock may patungan parang gutter para di sumabit ang cart, dinikit ko dun yung cart hindi ko talaga maabot yung stante ng clock, pero lumiko ako nun e so pag liliko ako ndi ako aabot dun sa clock kasi dinikit ko na yung cart sa gutter di pa abot e at di liliko ang cart pag naka sagad sa gilid yung cart pa square kasi yung patungan. Tapos yung head security dun hahanap pa ng butas e napanuod ko na e iibahin pa yung pwesto kung san ako nangaling hai.... nakipag talo nanaman at inakusa nanaman ako...... then sabi ko “wait ayoko makipag usap sayo, san ang manager?” nilapitan ko sabi ko “pwede ka ba sumama sakin sa scene may idedemo ako sayo” then pumunta yung mga head, at nag demo ako kumuha ako ng cart. Narealized nila na imposible nga. At sabi nung isa “ay oo baka yung blah blah blah” di ko na naintindhan kasi mahina na yung boses.
Well guess what, ang sabi nila PASENSYA.
May bata kaming kasama 3pm na at di pa kami ng lulunch! pasencya?!?!?!?!?!?!
kinuha ko mga pangalan na involved sa pnagyayari, di to basta grocery lang, madami silang branches. Sikat sila.
Na trauma kami at naharass, inakusaan kami ng di naming ginawa! Trinato kami ng parang criminal at tinakot pa kami, at hiniya kami sa maraming tao!
pasensya lang daw. gusto ko gumawa ng something para dito anu kaya ang pwede kong gawin? para matauhan sila.

Salamat

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum