Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

tulong naman po

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 tulong naman po on Sat Aug 20, 2011 12:48 am

majorie


Arresto Menor
Hi. Gusto ko lang po share problema ko at malaman kung ano ang dapat kong gawin. Isa po ako kasal sa irresponsableng lalake na ang akala ko isang santo iyon po pala nakatago sa kanya ang pagiging demonyo. Pasensya po, pero iyon po ang totoo. Natutulog kami may baril at kutsilyo sa ilalim ng unan. Wala po siyang trabaho at ako lang ang bumubuhay sa pamilya, may anak po kami at kahit singko suporta wala siyang naibigay sa anak ko. Tuwing uuwi ako sa bahay galing sa trabaho pinagdududahan niya may lalake ako, tinatakot ako papatayin ako, huhubarin ang damit ko titingnan ang buong katawan ko kung mayroon akong kiss mark. Lahat ng bagay na pwede nya ako hulihin ginagawa nya. Hangang napilitan ako na palakihin ang bata sa probinsya at suportahan na lang dahil sa pag uugali ng aking asawa, madalas nakikita ng anak ko ang sobra pang aabuso sa akin. Hindi lumilipas ang araw hindi niya ako tinatakot, binabantaan papatayin, sumisigaw at minumura ako ng masasakit na salita, pinapahiya nya rin ako sa maraming tao, mga kaibigan, kapitbahay officemate at mismong pamilya nya nakikita ginagawa sa akin. Sa sitwasyon dinaranas ko walang nakaka alam sa pamilya namin hangang sa umalis ako sa bahay at hindi na nagpakita sa kanya.
Nagtry po ako umalis ng bahay pero sobra pananakot thru txt at mismong sa mukha ko sinasabi niya papatayin niya ako kapag iniwan ko siya.
Atty napakisamahan ko po sya ng matagal na panahon nag tiis ako for 10yrs sa takot na pag iniwan ko siya mapatay nya ako. Sinakripisyo ko ang mga napundar kong gamit, ari-arian at maganda kong trabaho pati na rin ang anak ko, napilitan ako mag abroad para talikuran at magkaron ng peace of mind.

Ngayon po natatakot ako umuwi sa pilipinas pakiramdam ko kriminal ako sa sarili kong bayan dahil sa torture na nangyari sa nakaraang 10yrs na puro pang aabuso ng aking asawa. Natatakot ako matunton niya ako at ituloy nya balak nya patayin ako dahil iniwan ko siya. Inamin ng pamilya niya sa akin na may bago na siya kinakasama at anak. Ang gusto ko lng po atty mabigyan ako ng advise kung ano gagawin ko, takot na takot po ako. Kung kinakailangang hindi ako umuwi ng pilipinas gagawin ko pero ang anak ko nasa kanya at yun ang ginagamit nya para makakuha siya ng sustento. Wala na po akong naitago na mga text message ang makakapag patunay lang po sa mga pinagdaanan ko ay ang mga kaibigan ko at dating kasamahan sa trabaho at kapitbahay. Ano po maari kong gawin? Takot na Takot ako...please bigyan nyo po ako ng advise.. maraming salamat po.

View user profile

2 Re: tulong naman po on Sun Aug 21, 2011 4:58 pm

attyLLL


moderator
what do you want to happen?


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum