Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

selosa, suspetsosa...

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 selosa, suspetsosa... on Sat Sep 03, 2011 1:57 am

mrahc


Arresto Menor
Matagal na po akong nagdududa sa ugnayan ng asawa ko at ng isang babae.

Nagsimula po ang pagdududa ko sa asawa ko buhat ng mabuklat ko ang cellphone n'ya. na-curious lang naman po ako dahil, ikinukwento ako ng asawa ko sa isang lalaki. Ngunit habang lumaon po, niyayaya na n'yang gumawa ng baby ang lalaking katext nya. Nagdilim po ang paningin ko kaya isinapok ko po sa mukha n'ya ang cp. hindi ko na po nakuha ang number ng katext n'ya.

Then naging conscious na po ako sa mga ikinikilos n'ya at napansin ko na nga po ang unti-unting pagbabago... ang dating simple po naging maporma na... ang dati pong naiinip sa amin na makausap sa telepono kapag malayo, nawala na rin...

Minsan po, kasama namin ang mga byenan ko, tumawag ang babae at hindi ko po naiwasan ikumpara ang haba ng usapan nila sa haba ng usapan namin samantalang wala naman pong saysay ang pinag-uusapan nila, panlinis lang ng cr. Pero halata ko pong tila pinahahaba pa ng asawa ko ang usapan nila.

Ang kaso po panay sa cell phone lang ako nakakahuli ng mga palitan ng text na gamit pa ang terms of endearment naming mag-asawa. 2006 pa po ako nagsimulang naghinala sa mga ito. At sa tinagal-tagal po, iyon at iyon din babaeng yon ang nahuhuli ko.

So dahil wala naman po akong pera para pasundan ang asawa ko kinaibigan ko na lang iyong babae para kahit paano eh lumayo. Totoo po sa akin ang pakikipagkaibigang iyon. Nakilala ko rin kung anung uri s'ya ng babae. Harapang nambababae ang asawa nya. Pati pakikipagdate nya sa ibang lalaki, ikinukwento nya sa akin at para maturn-off ang asawa ko, ikinukwento ko iyong babae.

Minsan po, nalaman ng babae na binuklat ko ang cp ng asawa ko at s'ya mismo ang nagsabi sa aking pinagtatawanan ako sa opisina nila at pinagsasabihan ako ng babae na h'wag kong pinakikialaman cp ng asawa ko. Private property daw yun. So ang sabi ko po, pakialaman ko man cp ng asawa ko, asawa ko iyon. sila nakikialam ng buhay ng may buhay, private din naman iyon.

So nagstart po kaming magkagap ng babae. Later, pinagbibintangan ako ng asawa kong may lalaki dahil nag-aayos na raw ako. Napakasalimuot na kwento. Pero sa madaling salita, lalong tumindi ang hinala kong me babae ang asawa ko.

Hanggang sa manakaw ang email ko, sila lang dalwa ang me alam ng password ko at ramdam kong me motibo. Nang mauso po ang Facebook, niyaya pa ako nung babae na magfacebook then ang usual nyang ginagawa kinukwentuhan ako ng mga nanliligaw sa kanya. Mukhang artista raw etc.

Kaya nung aksidenteng may bumati sa asawa ko ng pangalan ng artistang kamukha ng sinasabi ng babae, nag-isip na po ako ng pinakamurang paraan. Inutusan ko pong gayahin ng isa kong kaibigan na maalam sa FB ang account nung babae.

Ayon, ginyera na ako nung babae dahil ginaya ko raw sya at kinakalakal ko maganda nyang mukha para idag-dag akong kaibigan ng mga kaibigan nya. Pinpointed agad ako.

Ininis po akong lalo, nilandi nya ung asawa ko at niliuligawan sya doon nung asawa ko. Dahil sa talo po ako, pinasara ko rin sa inutusan ko. ang kaso hindi pa rin sila nagsipaglubay!!!

sabi pa ng asawa ko wala na syang kontak sa babae pero kamakailan lang, nahuli ko na naman sila sa text. Ang masama nakakita pa ako ng Viagra na bawas na kaya galit na galit ako minura ko ung babae at ipinost ko sa FB ang palitan nila ng text.

Pero dahil mahal ko po'y asawa ko, tumigil na ako ng pagpopost ng parinig sa kanya. Pero sya, tuloy pa rin! Ang sabi ng asawa ko, binanggit daw ba iyong pangalan ko, ang sagot ko kailangan pa ba namang banggitin halata namang ako tinutukoy.

Kahapon po nakatanggap ako ng sulat mula sa law office gaya ng banta nyang subpoena ang kaso ganoon po ba ang subpoena? walang dry seal, walang mga control number gaya ng mga nakikita ko sa notaryo? Pinagdadahilan ako sa loob ng 3 araw samantalang 15 araw na bago ko natanggap ang sulat?

Ano po ba ang uubra kong ikaso sa babae na sa kabila ng warning ko sa kanyyang layuan ang asawa ko, di pa rin s'ya lumayo samantalang muntik-muntikanan na kaming maghiwalay dahil sa kanya? May tumawag pa nga po sa akin nung isang buwan at sinasabing ipagkalat ko sya sa FB n buntis sya ng 3 buwan at ang asawa ko ang ama? Tapos po yan ngang subpoena na dinikit lang ng scothtape at wala pang address sa sobre?

Nangpapraning po siya..



View user profile

2 Unsolicited advice on Wed Nov 02, 2011 5:06 pm

sadahaniko


Arresto Menor
Hi.Mukhang wala pang nagrereply sa message mo. Di ko rin alam kung naresolve mo na ang inyong issues. Pero anyway, medyo mahirap yang paratang mo sa husband mo regarding sa kabit niya kasi cellphone niya yung basis mo...tapos kinaibigan mo pa yung so-called kabit niya. Nasa batas kasi natin na bawal pakialaman yung gamit ng ibang tao, kahit na nga ang iyong asawa lalo na yung cellphone niya pati private email kasi right to privacy and communication yung violation mo nun. masaklap pero yun ang katotohanan. kahit nga irecord or iprint mo yung nabasa mo o nakita mo sa email or cellphone eh bawal under the law.

kung totoo man na nangagaliwa ang asawa mo, sa tingin ko kelangan mo siyang kausapin ng mahinahon at maayos kung ano ba talaga ang puno at dulo ng kanyang kaduda-dudang kinikilos. baka may nasabi kang hindi niya nagustuhan o di kaya'y yung pakikitungo mo sa kanya eh nakababa ng kanyang morale o self-esteem. kasi kadalasan ng mga lalaki naman (except sa mga talagang likas na ogag)ay di naman basta basta gagawa ng katarantaduhan yan. kung halimbawa ginawa mo na ang lahat para patunayan sa kanya na wala sa iyo ang mali, diyan ka na pwedeng mag-isip kung lulubayan mo na ba siya ng tuluyan o lulunukin mo yung pride mo at tatanggapin mo na lang siya ng buong-buo. ikaw lang ang pwedeng magdesisyon nyan.

Imbes na kumuha ka ng imbestigador na magmamanman ng ikinikilos ng husband mo, kung saan manlulumo at madedepress ka lang, mas mainam siguro na tugunan mo yung pangagailangan ng husband mo na nakita niya sa ibang babae. Kung mapapansin mo, mga mababaw na babae yung kadalasang kabit, kasi yung gusto ng lalaki ay yung mas superior sila kesa sa babae. Yun bang babae na magpapa-feel sa kanila na sila ay superhero, matalino, gwapo, responsable etc. (kahit di naman totoo). Ang gusto ng kadalasang mga lalaki eh yung babae na finifeed yung ego nila. Pag pinaramdam at pinakita mo kasi na mas mataas ka at mas matalino ka sa husband mo, lalayo yan, bababa ang self esteem at maghahanap ng ibang babaeng mapaglipasan ng oras. Di naman kelangan na magbobo-bobohan ka kung totoo naman matalino ka pero mag-isip ka at sundin mo yung magandang stratehiya na imbes mahumaling sa iba yung husband mo, sa iyo siya mahumaling.

isipin mo rin na kahit anong mangyari, maganda ka at marami ang nagmamahal sa iyo. may ibang mga cases kasi na kapag na-feel ng lalaki na siya nalang lagi ang laman ng utak at butsi mo, lumolobo ang ulo nila tsaka mas malaki ang probabilidad na gagawa siya ng kalokohan. Be busy, ika nga...Pwede kang maging busy sa iyong hobby, office, family, wag lang puro yung husband mo yung aatupagin mo tapos maya't maya iisipin mo na naman, "ano na naman kayang kalokohan ang ginagawa ng kumag na iyon?" Mag-positive thinking ka. Anyway, kung gago talaga siya, eh, wala ka nang magagawa, ipasa Diyos mo nalang siya. Good luck.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum