Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

RESERVATION

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 RESERVATION on Mon Sep 19, 2011 3:12 pm

ernie


Arresto Menor
Hello po AttyLLL, may problema kasi ako.I need an advice. May ni-refer po kasi sa akin ang kaibigan ko na lupa.kasi kakilala po niya ang isa sa ahente doon. Dinala po niya ako dun sa lugar at ipinakilala sa ahente.Wala ako dalang pera noon oras na yun. Kaya sabi ng kaibigan ko pauutangin na lang daw niya muna ako at bayaran ko na lang daw siya sa sunod na linggo.Pumayag naman po ako. Nagwithdraw siya ng ATM ng 10,000 pesos at yun po ang binayad sa ahente.Pumirma po ako para sa reservation fee. Kinabukasan po, pinapa-cancel ko po yun reservation fee na yun since hindi pa naman po official receipt ang binibigay nila saken. Pero sabi po ng kaibigan ko hindi na daw pwede bawiin yun.Ayoko naman po magbigay ng 10,000 sa wala lang na parang namigay lang ako ng pera.Sabi ko kung may magagawa po ako para ma-cancel lang gagawin ko.Pero isa lang sinasagot ng kaibigan ko, non refundable na daw yun. kaya magbayad daw ako ng utang sa kanya dahil pera niya ang ibinayad doon.tinatakot nia po ako na sisirain nia ako sa trabaho ko at idedemanda daw nia ako. Ang tanong ko po, may grounds po ba siya para idemanda ako kahit wala naman kontrata akong pinirmahan na umutang ako?kung dapat ko pa rin ba talagang bayaran yun 10,000 sa kanya? ano po ba ang dapat ko gawin?



Last edited by ernie on Mon Sep 19, 2011 3:27 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : ..)

View user profile

2 RESERVATION on Tue Sep 20, 2011 2:30 am

ernie


Arresto Menor
Help naman po. kasi hindi ba talaga pwede ipa-cancel yun reservation fee kahit na hindi pa anman official receipt ang binibigay sa akin? Iniisip ko lang kasi magkakilala un kaibigan ko at yun ahente at kaya nag offer yun kaibigan ko na pautangin ako dahil may comission siya dun. Kaya nung nirerequest ko ipacancel ayaw pumayag ng kaibigan ko. Mahalaga po sa akin malaman kung talagang kailangan ko bayaran yun 10,000 na yun kahit hindi ko naman tinuloy yun pagbili sa lupa or may laban pa po ba ako? Ngayon po kasi tinatakot ako ng kaibigan ko.Advice naman po attorney please? maraming salamat po...

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum