Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Slum Area na pinapaupahan legal po ba?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Slum Area na pinapaupahan legal po ba? on Sat Oct 01, 2011 9:44 pm

amollah


Arresto Menor
Mag 30 years na po kami sa squatter na tinitirhan namin, noong hindi pa po nagkakasunog ng hihingi po ng yearly installment sa mga nakatira dun ng 3k pesos yung care taker ng lupa, at sinasabi na hindi daw alam ng may-ari na may nakatirang squatters sa lupang iyon.Noong nagkasunog po nitong april nalaman po ng may-ari ng lupa na may squatter at pinapaalis po kami. According to our Barangay Captain kinausap nya na daw po yung may ari ng lupa at nakiusap syang wag palayasin yung mga nakatira dun so ginawa daw ng may-ari pina uupa na lang po ang lupa so pinagbabayad po kami ngayon ng 300 pesos a month yung iba po ay 400 meron pong mga 100 Families na nakatira sa slum area na yun. At nagbabayad po kami ngayon sa aming Barangay Hall ng 300 pesos a month. Gusto ko lang po sana malaman kung legal po ang ginagawa ng Brangay Captain namin at ng may-ari ng Lupa. Upa lang po yung 300 pesos a month na binabayad namin hindi po sya rent to own. Wala po ba kaming karapatan sa lupa kahit 30 years na po kaming nakatira dun? Kasi sabi po ng Barangay captain namin may bagong batas na ngayon na nag papaalis ng squatters so wala daw kaming laban. Kaya nagbabayad na lang po kami ng upa sana po masagot ninyo ang aming mga katanungan, maraming salamt po.

View user profile

2 Re: Slum Area na pinapaupahan legal po ba? on Tue Oct 18, 2011 2:03 pm

manilenio


Arresto Menor
mawalang galang po, di po dahil nakatira kayo at may binabayarang upa eh magkakaroon na kayo ng karapatan. kung ang lupa po ay titulado, at ang may-ari ay nagbabayad ng kaukulang buwis sa lupa nya, kanya ang lupang yon habang-buhay. buti nga po at di pa kayo pinalayas sa lupa nya. legal po ba na pinagbabayad kayo ng upa? cguro po humingi kayo ng lease contract, o kontrata sa pag-upa nyo, at cguro humingi rin kayo ng resibo sa binabayaran nyo. pero hindi po magiging inyo ang lupa, at di rin kayo magkakaroon ng karapatan kahit gano kayo katagal tumira diyan.

hope that helps.

View user profile http://www.manilenio.o.cc

3 Slum Area na pinapaupahan legal po ba? on Sat Mar 31, 2012 8:17 pm

amollah


Arresto Menor
Wala pong binabayarang tax ang may ari ng lupa. Ganito ang explanation ng barangay captain Hindi na daw paalisin ang mga taong nakatira sa squatter na yun pero yung mga taong yun yung magbabayad ng tax ng lupa na hindi nabayaran kaya naniningil ng 300 pesos to 500 pesos yung barangay captain every month sa bawat bahay na nakatayo doon.Pinabayaan na po ng may-ari ang lupa nya dahil hindi nmn binabayaran ang tax since pinanganak ako dun. Ang tanong ko lang nmn po ay kung legal ba ang ginagawa nila --- Nakapag reply after 1 year LOL. Bale ang lalabas nyan hanggat hindi pa nababayaran ang utang na tax ng may-ari ng lupa pwede paring mag stay ang mga squatter dun pero kapag nabayaran na malamanng paalisin na diba.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum