Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ikaw na may-ari, ikaw pa pagbabantaan.

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 ikaw na may-ari, ikaw pa pagbabantaan. on Mon Oct 03, 2011 11:13 pm

ricky


Arresto Menor
hello po. mayroon po kaming namanang lupa dito sa probinsiya na ipina-subdivide, at sa dahilang wala po itong access sa main road ibinenta namin ng mura. mayroon naman right of way na 6m sa kanila (5 families lahat) ngunit hanggang doon lang sa sakop ng aming lupa (east & west sides na deretcho), kahit saan po pwede naman dumaan basta tao lang at okey naman sa kanila sa simula.

kinatagalan ay bumili po ng sasakyan ang isang buyer namin at wala kaming alam na ginawang kalsada ang gitna ng isang lote namin na wala pang nakabili(Lot-A). kaya po pala umatras ang mga buyer nameng iba ay sa dahilang mayrong kalsada sa gitna na huli lang namin nalaman. kami pa ho na may-ari ang na-threaten nang balak naming bakuran kaya nagreklamo kami sa baranggay. ang problema po ay naghuhugas kamay ang kapitan at dapat daw sa korte kapag lupa ang usapan.

HINDI PO KAYA SA PULIS KAMI DAPAT HUMINGI NG TULONG? gusto lang namin i-secure ang natirang lote namin, pupunta pa kami sa korte?

yun ho kaseng dulo ng existing right of way namin na nasa east/west sides ay may barbed wire na bakod, iyon ang dahilan nila kaya nag-left turn sila ng kalsada, gamit ang Lot-A dahil wala pang bakod sa north side.

anu po dapat naming gawin? option po namin ay ipagbili na lang sa kanila ang lot-a kung gusto talaga nilang gamitin pero mukha hong gusto lang nila ay extension ng right of way at libre. dito po kami di nagkasundo sa baranggay.

marami pong salamat sa inyong magiging tugon.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum