Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

TRESPASSING??

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 TRESPASSING?? on Thu Oct 20, 2011 11:46 am

unknown86


Arresto Menor
Hello pwde po magtanung about sa situation ko po.Me problema po ako sa in laws ko kasi di pa kami naikakasal ng anak nya puro paninirang puri na yung sinasabi nya. may anak po kasi ako sa pagkadalaga kaya me mga nasasabi silang ganun sa mismong mama ko pa tahasang sinasabi.

Nagpakasal po kami nung last august 2008. Mula po nuon ay don kami naninirahan sa mga byenan ko.Tas nung june 2009 nag abroad din kami iniwan namin sa mga byenan ko ung 1 anak namin, after 6mos umuwi din kami at nagtira kasama nila ulit .tas February 2010 -2011 na-abroad kami. nung april 9 2011 humiwalay na kami ng tirahan malayo sa mga byenan ko. kaya lang isang sakay lang ang layo nila sa amin,

paulit ulit po akong binobossy ng mga byenan ko. ang gusto po nila sila ang masunod at kung me iaangal po ako nagagalit po sila tapos sa bandang huli ako po palagi ang humihingi ng dispensa. Ang gusto po kasi nila sila po palagi ang masusunod kahit nasa pamamahay namin SILA (tama po bang tawaging pamamahay namin yun kahit nirerentahan lang namin?)

nitong huli july 21 naghahabol kami ng anak ko sa assignment nya dahil 3 days syang nilagnat. That day lang sya nakapasok kaya tinambak sa amin lahat ng mga assignments nung mga nakaraang araw na hindi nya naipasok.

nagwalkout yung byenan kong lalake dahil hihiramin pala nya yung bata. pero hindi naman nya pinapaalam sakin. Basta lang syang nakatayo sa labas at tinatawag yung anak ko. ganun po kasi sila doon madalas mawala at kukunin nila yung anak ko pero indi nila pinapaalam na kukunin nila at kung saan nila dadalhin
(tama po ba ito? o me karapatan po akong malaman kung saan nila dinadala anak ko kahit sila naman e mga in laws ko at sila yung nag alaga sa anak ng 1yr and 6mos? )

nung magwalkout yung byenan kong lalaki kasunod na pumunta sa bahay ay yung mga pinsan .tiyahin , byenan kong babae at nagkakatok sa bahay naming hindi ko na po sila pinagbuksan. nagkunwari kaming wala sa bahay. Sinarado ko yung pintuan at bintana. Nagtago po kami. kaya lang ang nangyari ho e sinira nila yung 2 pintuan namin na pinahintulutan daw ng asawa ko.(natanung ko yung husband ko.. sya nga daw po nagbigay ng pahintulot)

don na kami nagaway ng byenan ko nung tinadyakan na nila yung pinto ng kwarto namin.3 tao po yung pumipigil sa byenan ko. habang kami ng 2 bata e nakaupo lang sa higaan at nagiiyak. Pilit po kasi akong dinidikitan ng byenan ko sa mukha. At paulit ulit nagsisigaw sa bahay namin. Me incident din pong nahila ko yung damit nya dahil pilit nya akong nilalapitan at susunggaban ako. Na sabi nila sinaktan ko daw po yung byenan ko

(yung di sinasadya na paghiklat ko sa damit nya pwde po ba nila akong kasuhan don?)
yun po ang pinagkakalat nila sa lugar nila na sinaktan ko daw yung byenan ko.

sa huli ho ako na rin ang humingi ng dispensa sa dalawang matanda nung gabi na yun dahil di ko na kinaya yung mga pinagsisigawan ng byenan ko lahat po kasi ng mga panlalait e nasabi nya na sa akin at sa pamilya na pinagmulan ko. that same night umalis na kami don sa lugar nila at umuwi sa mga mama ko.

patuloy pa rin po akong pinipilit ng asawa ko na ako ulit ang humingi ng dispensa sa partida nila dahil sa umalis ako sa lugar nila ng gabi na yun
at napahiya yung magulang nya sa mga tao.(tama ho ba yung ganun?)

umabot po ito sa facebook sa pagpopost at pagmumura nila sa text at puro panirang puri ang mga sinasabi
(pwde po ba namin yun gamitin against sa kanila?? lahat po yon ay nakasave pa sa cellphone ng mother ko.)

yung asawa ko naman po indi na po kami madalas magkasama since sa ibang lugar po sya nagtatrabaho at kung nagkikita man po kami patago at ayaw nyang ipalam sa kanila dahil inaaway po sya ng nanay nya. nagpapadala pa rin po sya para sa anak namin. pero hindi nya po talaga ako kayang ipagtanggol at ayaw po nyang magsalita against sa pamilya nya. isang compound po kasi sila doon pag kinalaban nya yung nanay nya babatikusin sya ng mga tiyahin nya. pinamumukha din kasi ng nanay nya na sya nagpalaki at nagpapakain nuon sa kanya, sya nagpanganak.. yung mga ganung panunumbat, kaya hindi na lang umiimik yung asawa ko.

hindi po kami nagtry mag sumbong sa barangay dahil puros kamag anak at kabarkada ng pamilya nila yung mga kagawad.
anu po bang pwede ko ikaso sa pamilya nila?
at sa mga paninirang puri na pinagpopost at pinagtetext nila?
madalas rin po ako ang pinalalabas na masama ng nanay nya khit yung asawa ko naman talaga ang may kasalanan. binabaliktad po nila palagi para yung anak nya yung malinis ang pangalan at ako yung palaging mapasama.
sabi pa ng mga brother in law ko
dayuhan lang daw po ako sa kanila kaya wala daw akong karapatang magsalita laban sa nanay nila?
tama po ba ito?
Sabi pa po nila kung makikita nila ako hindi daw nila ako pauuwiin ng hindi gumagapang, tatanggalan ng kamay paa at gigilitan sa leeg

anu po ba ang mga karapatan ko? sana po ay matulungan nyo ako.

View user profile

2 Re: TRESPASSING?? on Thu Oct 20, 2011 9:20 pm

attyLLL


moderator
sorry, do you have your own separate house, or you live with your in laws?


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

3 Re: TRESPASSING?? on Thu Oct 20, 2011 9:44 pm

unknown86


Arresto Menor
humiwalay na po kami this apr 9 2011 ng bahay pero nag eskandalo parin po sila.. nagrent lang po kami ng bahay. para lang makahiwalay sa kanila. kaya lang po 1 sakay ng tricycle lang po ang layo sa kanila

View user profile

4 Re: TRESPASSING?? on Thu Oct 20, 2011 9:46 pm

unknown86


Arresto Menor
now po dito kami sa bahay ng mama ko pero nagpopost parin po sila kasi ng kung anu ano sa facebook kaya nagkagulo ulit

ngayun by text and post na lang sa facebook... kasama na po yung buong family nila yung mga brother in laws ko pati mga cousins nila

dapat pa po ba akong humingi ng dispensa sa kanila pagkatapos nila kaming pahiyain at pagmumurahin sa text at facebook???

View user profile

5 Re: TRESPASSING?? on Sat Oct 22, 2011 12:51 am

attyLLL


moderator
you can collect your evidence and file a case of libel against them. you will need a lawyer who understands electronic evidence. it's up to you if you wan to ask for forgiveness.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

6 TRESPASSING II / LIBEL on Sun Oct 23, 2011 8:32 pm

unknown86


Arresto Menor
bukod po sa LIBEL, pwede din po bang kasuhan ng TRESPASSING yung ginawa nilang pagpasok sa bahay ng walang pahintulot mula sa akin at pinagsisipa yung 2 pintuan namin?
pero binigyan daw po sila ng karapatan ng asawa ko sa text o tawag na gibain yung 2 pintuan.

at HARASSMENT dahil nagwawala sila sa harap ng mga bata?

tinuturing din po bang INATAKE ko yung mother in law ko dahil nahila ko yung laylayan ng damit nya?

dahil sinusugod po nya ako ng paulit ulit at sinisigawan. nung nagpumiglas siya sa pagkakahawak sa kanya nung pumipigil sa kanya. dinikitan po nya ako sa mukha kaya sobrang pagkagulat ko nahila ko damit nya at hinamon ko siya ng "sige saktan niyo ako!" tapos since nahila ko yung damit nya sabi nya ako daw nanakit sa kanya.

pero right after that incident, nagSORRY na po ako sa kanilang mag asawa. then flee here to my parents house to end the controversy that was last JULY

can they use that to file a case against me?
na sinaktan ko siya?

kaya lang now po kasi nagstart na naman yung gulo since theyve started texting and posting gibberish on their facebook about me.

View user profile

7 Re: TRESPASSING?? on Wed Oct 26, 2011 10:55 pm

attyLLL


moderator
the destruction of the door is malicious mischief. she might file a case of slight physical injury against you.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

8 Re: TRESPASSING?? Today at 8:17 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum