Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Nangangaliwang Ama

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Nangangaliwang Ama on Mon Oct 31, 2011 3:24 pm

Si tatay who is 57 years old ay may ibinabahay na 24 year old girl na may dalawang anak.

Although, wala kaming resibo o patunay na sya ang nagbabayad ng inuupahang apartment ng babae, dahil sa pinagtatakpan ng landlady tiyak po namin na sya ang nagbabayad gawa ng ganun din ang gawa niya noong nakatira pa ito sa dating bahay na pinagdalhan sa babae nya ayon sa aming impormante.

Gusto ko pong malaman kung sapat na bang ebidensya ang mga testimonya ng mga kapitbahay ng kerida na nagpapatunay na bumibisita doon ang aking ama, dagdag pa ang tahasan nyang pag-amin sa aking mga kapatid, sa aking ina, at iba pang kamag-anak na sya ay may kinahuhumalingang babae, kahit ito po ay walang record o dokumento ng kanyang pag-amin tulad po halimbawa ng mga audio record evidence. Para po masampahan sya ng psychological violence under RA 9262.

Ang pamalita nila sa kanilang kapitbahay at pinapalabas ng kanilang landlady ay sila daw po ay mag-ama, subalit ang ipinagtataka ng mga kapitbahay, may mag-ama po ba na kapag dumating ang lalaki ay nagkukulong na sila, bukod pa po sa kilala ng kapitbahay ng kerida ang nanay ko.

Nais po namin silang sampahan ng kaso at makulong kasabay na matanggal sa puwesto si tatay bilang kapitan upang di na pamarisan. Bukod din po dito hindi kami makapaghain ng reklamo sa barangay gawa ng ang mga tao nya sa barangay ay sila pang tagapaghatid ng sustento nya sa kanyang kerida.



Last edited by kyle_rasty@yahoo.com on Mon Oct 31, 2011 4:26 pm; edited 1 time in total

View user profile

2 Re: Nangangaliwang Ama on Mon Oct 31, 2011 3:32 pm


Kung maaari lamang po na mabigyan nyo ako ng pangunahing impormasyon sa naturang paksa, upang mabigyan katarungan ang ginawa nila sa aming pamilya. 39 years ng kasal ang aking mga magulang at kailan lamang ipinabatid sa amin ng 3 kong kapatid ang naturang problema.

View user profile

3 Re: Nangangaliwang Ama on Mon Oct 31, 2011 5:44 pm

attyLLL


moderator
do you think the neighbors will be willing to execute affidavits?


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

4 Re: Nangangaliwang Ama on Mon Oct 31, 2011 6:58 pm


willing naman po. at sila pa po ang nag-inform sa mother ko everytime na nandoroon ang aking ama. at nagkaron na rin po ng encounter between my mother, my father and the mistress. aside from that nandoon po ang kapatid ko ng oras na yun. nameet na rin po ng mga kapatid ko ang babae at tahasan nyan inamin na may relasyon sila at ganun din po ang aking ama. at ilan sa mga kapatid ng tatay at nanay ko ay nameet na rin ang babae at nung minsan at naaktuhan na nandoon din ang aking ama. at tahasan din po sinabi ng babae na hindi sya maiiwan ng aking ama at gayundin ang aking ama hindi din daw po mahihiwalayan ang babae. kaya po nag-iisip na kami magsampa ng kaso laban sa kanila ng matigil na ang kanilang relasyon at matuto sila ng leksyon.

handa rin po ang king ina na isampa ang kaso dangan nga lamang po ay di namin sigurado kung sapat na bang ebidenya ang mga affidavit na ihahain namin. at nagkaron na rin po ng pagkakataon na nagtangka ng magpakamatay ang aking ina ng malaman nya ang pakikipagrelasyon ni tatay sa ibang babae.

View user profile

5 Re: Nangangaliwang Ama on Mon Oct 31, 2011 6:59 pm


maari rin po ba tumestigo ang aking mga kapatid at ang kapatid ng aking nanay laban sa aking tatay. gawa po ng sila po ang nakarinig at testigo ng umamin ang aking ama at ang kanyang kerida.

View user profile

6 Re: Nangangaliwang Ama on Tue Nov 01, 2011 4:31 pm

attyLLL


moderator
admissions are not always the best evidence unless it's in writing.

you mother can charge him with concubinage and repeated marital infidelity


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

7 Re: Nangangaliwang Ama on Tue Nov 01, 2011 4:59 pm


how about po ung pagtestigo ng dalawang kapatid ko at ng iba pa namin kamag-anak, na naaktuhan nila sa bahay ng kerida ang tatay ko. bukod sa mga testimonya ng mga kapitbahay ng babae.

mga text messages po ng babae sa tatay ko, kasi po di pa naman sila nagsasama dahil umuuwi pa rin si tatay sa bahay. at wala naman po kami maiproduce na resibo ng pagbabayad ni tatay sa bahay na inuupahan ng kabit nya.

ang marital infedelity po ba ay maaaring humantong sa pagkakulong nilang dalawa? sa mga ebidensyang nabanggit ko po halimbawa, ito po bay malakas na ebidensya laban sa kanila?

pasensya na po kung marami ako tanong at sadyang nagiging makulit, nais ko lamang po talaga magkaron ng hustisya ang pagkasira ng aming maayos at tahimik na pamilya na dulot ng ginawang kasalanan ng tatay ko at ng kanyang kerida.

mas mabuti na po na nakakulong si tatay kaysa naman po paulit-ulit nyang niloloko at sinisira ang buhay namin. kahit anong oras na gustuhin ni nanay na makita sya dalawin lng sya sa kulungan pwede. hindi yung kaoag nagpupunta sya sa bahay ng kerida nya ipinagpapaalam pa sa nanay ko at nagiging dahilan ng pagkahulog ng katawan ng aking ina.

kapag nakulong sya na harinawa ay magsilbing aral sa kanya at pagtigil sa panlilibak ng kanyang kerida sa aking ina. sa ganun paraan nabigyan ng katarungan ang pagkasira ng aming pamilya.

View user profile

8 Re: Nangangaliwang Ama Today at 5:50 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum