Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

loan sa lending

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 loan sa lending on Tue Nov 22, 2011 9:22 pm

aleee


Arresto Menor
nag loan po ako sa isang lending company sa tulong ng recruitment agency na aking inaplayan isang taon na ang nakalipas.hindi po ako napa alis abroad ng agency at ito ay nagsara na sa dami ng kaso.naging co maker ko po sa pangungutang ang aking anak.hanggang sa ngayun hindi ko po nabayaran ang halagang one hundred fifty thousand na aking inutang sa lending company.me piirmahan din po akong mga blank check doon sa lending company.lahat po ng nakuha kong loan ay ibinigay ko sa recritment agency sa pangako na ako ay papuntahain sa afghanistan.ngunit hindi natupad yun.ang tanung ko makakasuhan ba nila o madedemanda ang aking anak na syang naging co maker ko?sa kasalukuyan ako po ay namamasukan dto sa morocco.

View user profile

2 Re: loan sa lending on Tue Nov 22, 2011 10:06 pm

akustik82


Arresto Menor
Kung co-maker ang nakalagay doon sa promisory note ng lending company, pwedeng mahabol at makasuhan ang anak nyo. pag nag-comaker ang isang tao, ibig sabihin ay handa nyang saluhin ang responsibilidad ng nangutang (maker)--kahit na ito ay walang maipangbabayad.

Iba ang co-maker sa guarantor. Kung guarantor lang ang anak mo, dapat ikaw muna ang habulin ng lending bago ang anak mo. Ang guarantor kasi ay isang tao na nagpapasigurado na mayroong pondo na pangbayad ang nangutang; hindi nya talaga pangunahing responsibilidad ang bayaran ang utang kung sakaling ang nanghiram ay walang maibayad. magbabayad lang sya kung ang lending ay walang nakuha sa pangunahing mangungutang matapos na dalhin sa korte ang problema.

ang co-maker naman ay walang ibang option kundi bayaran ang utang kung sakaling maningil na ang lender at magsampa ng kaso.

dapat tingnan ninyo kung ano talaga yung nakasulat sa promisory note para maka-panigurado kayo kung comaker ba o guarantor ang anak nyo.

kung co-maker, pwedeng makasuhan sya ng lender. pero kasong civil lang yon at hindi kriminal. hindi naman kasi krimen ang di pagbayad ng utang. at ayon sa 1987 Constitution, walang taong makukulong sa hindi pagbayad sa utang.

View user profile

3 Re: loan sa lending on Wed Nov 23, 2011 12:11 am

aleee


Arresto Menor

maraming salamat po sa inyong paliwanag.pero ito po bang mga ganitong kaso kadalasan nagkakaroon po ba ng kopya ang nbi?

View user profile

4 Re: loan sa lending on Tue Dec 06, 2011 6:39 pm

akustik82


Arresto Menor
hindi naman dapat ito makapunta sa nbi.

civil case lang ang unpaid debt sa lending. hindi ito kasong kriminal. ang nbi ay may jurisdiction lang sa kasong kriminal.

tinatakot ba kayo ng lending na magpapa-NBI sila? kung ganon, wag kayong kabahan. scaring tactics lang nila yun. pag medyo grabe na yung hassle na binibigay nila sa inyo, pwede na kayo magsampa ng kaso sa kanila (e.g. unjust vexation).

View user profile

5 Re: loan sa lending on Tue Dec 13, 2011 1:07 am

rheish


Arresto Menor
bago lang pa ako dito, ask ko lang po kasi po ang nanay ko nangutang sa lending company, lumagpas na po ang due date nya s pagbabayad nagyoon po ang co maker po ay ang aking asawa , bale po pinagawa mo kami po ng kasulatan n maghuhulog po kami ng 100 pesos araw araw sa loob po ng 100 days kasi po ang balance na lang po ng aking nanay ay 8000 pesos, nakasaad po don sa kasulatan na inaako ng aking asawa (co maker) ang natitirang utang ng aking nanay ung (maker) sa loob ng 100 days mag huhulog ng 100 pesos, kung sakaling lumagpas sa due date ay kusang mag susurender ng gamit. kung sakaling hindi po mag surender at maki usap ulet na hulugan ang natitirang utang pepwede po ba ulet un? makakasuhan po ba ag nanay ko at ang aking asawa.

View user profile

6 Re: loan sa lending on Sat Dec 17, 2011 7:34 pm

attyLLL


moderator
he doesn't have to agree to that. i don't think they'll go to court over such an amount


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

7 Re: loan sa lending Today at 12:28 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum