Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Paano kung Di sya Registered Marriage sa Norway?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

TheRpr05


Arresto Menor

Magandang Araw po sa inyo,
Una po sa lahat ay nais kong ibahagi ang aking kwento upang ng sa ganun ay makakuha po ako ng tamang payo kung ano ang aking dapat gawin..
I kinasal po ako noong Disyembre 22,2008 sa Munisipyo ng Bocaue Bulacan sa edad na 21 anyos.ang akin pong napangasawa ay isang norwegian national na edad 40 ..
Naging maayos naman po ang lahat tungkol sa aming pagsasama..Magnobyo kame thru chat po mula Abril hanggang Nobyembre at 1 buwan kame nagsama dito sa Pilipinas kasama na ang panahon ng aming pagpapakasal..Bumalik po sya sa NORWAY taong 2009 at sinimulan po namen ang proseso ng Visa mula noon..Bumaba po ang desisyon noong Pebrero 2010 at ako po ay na deny sa kadahilanan na di sapat ang kanyang income.Simula po noon ay naramdaman ko ang tila ba malamig na pakikitungo ny sa akin..Halos di na nya ako kinakausap sa chat at palagi na syang busy..Doon po ako nagsimulang kutoban dahil madami akong nababasang komento sa facebook mula sa kanyang mga kaibigang babae..Hanggang sa dumating po ang buwan ng MAYO at hiniling nya na tapusin na ang lahat lahat sa amin..
Tunay po na napakahirap..wala man po kaming anak ay kasal pa din kame at nangangahulugan na ako ay legal na misis nya..Ngunit,iba po ang sinasaad ng sinasabi nya na batas ng kanilang bansa..Hindi daw po nya obligansyon ang ako ay suportahan sapagkat di nman sya kasal sa kanilang bansa..Nanatili daw po syang SINGLE doon..
Unti -unti ko na pong natatanggap na meron na syang ibang babae sa buhay ay di na nya ako kailanman babalikan,ang ikinasasama lamang po ng aking loob ay ang malaman na wala din palang saysay na KASAL kame na legal dito dahil kaya nya akong iwan kahit anong oras ng walang kahirap hirap..Gustuhin ko man po mag file ng annulment napakalaking pera ng aking kailangan at palagi nyang sinasabi na wala syang pakialam sa annulment at kung sino man ang magpapakasal muli sa akin ay syang dapat gumastos..
Ito po ang aking katanungan,
1)Wala po ba talaga tayong batas para sa katulad ko ang sitwasyon,ibig ko pong sabihin ay karapatan bilang asawa nyang legal dito sa ating bansa?
2) Di ko po hangad ang kahit anong pera ngunit di ko po ba sya pwedeng obligahin na tulungan akong maayos ang proseso ng aming paghihiwalay?

Maraming maraming Salamat po at Pasensya na po sa mahabang email..
Lubos ko pong pinagpapasalamat na may website at mga taong tulad nyo na handang tumulong sa amin, inaasahan ko po na mabibigyang linaw ang mga bagay na ito..
Anuman po ang kailangan kong gawin at maari nyo pong ipaalam kaagad sa akin dahil gustong gusto ko na po talagang matuldukan ito..

God bless po and More Power....!!!


Lubos na Gumagalang,
Roxane R. Hagfors

View user profile

attyLLL


moderator
find the norwegian embassy and file a copy of your marriage certificate


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum