Nangyari po ang pambabato sa bahay ng isang Kagawad noong Dec. 1, 2011 ng madaling araw. Nag-iinuman po sa kalye ang grupo na ito at nagkataon na nadaanan sila ng rumorondang pulis sa aming lugar. Kaya ang iniisip po nung grupo, iyon pong Kagawad ang tumawag ng pulis. Bote po ng ketchup ang ginamit. Tinamaan po yung dingding na katabi ng bintana. Kung minamanas-manas po ang bumato, pwede po iyon tumama sa bintana at maaksidente ang 4 na taong gulang na bata na natutulog sa tabi ng bintana. Pina-blotter na po ito sa brgy., at nagkaroon po ng hearing. Wala po sa kanila ang umaamin. Sa kabutihang palad po, may 2 testigo po ang nakakita sa bumato ng bote. Ayon din po sa isa nilang kainuman, pinagplanuhan po ang pambabato ng bote sa bahay ng Kagawad na iyon.
Ano po ang pwede ikaso sa grupo na yun?
Maraming salamat po!
Ano po ang pwede ikaso sa grupo na yun?
Maraming salamat po!
