Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Please Help!!!!

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Please Help!!!! on Wed Jan 18, 2012 9:20 am

Mhay75


Arresto Menor
Good day po, may ibenenta po ang uncle ko na lupa sa kin, under his name na nakapaloob sa isang title na nakapangalan sa tatlong magkakapatid, patay na po yong isa..yong part po ng tiyo ko ang ibenenta sa kin, nasubdivide na po yon lupa sa tatlo nun ipina transfer ko na sa pangalan ko yon nabili kong parte ng tiyo ko...sa ngayon po may naghahabol na anak nun isa kong tiyahin na kesyo nabili na daw yon ng tiya ko sa tiyo ko, na may hawak po silang handwritten na pinagbili daw ng tiyo ko noong 1993 sa tiya ko...pero ibenenta po sa kin ng tiyo ko noong 2001 yong lot at naipatransfer ko po sa pangalan ko nitong 2010 at nakapagpatayo na kami ng bahay. pero according sa Tiyo ko, binawi daw nya noon yong bentahan sa tiya ko kase di sila nakabayad, ngayong patay na yong tiya ko subalit naghahabol yong anak nya dahil daw may sulat kamay na bentahan daw silang hawak at pinabanrangay po kami para mabawi yong lupa..

1.) May habol po ba sila sa lupa na ngayon ay nakapangalan na sa kin, at may sulat kamay (2001)din ang tiyo ko na nagpapatunay na nakatanggap sya ng pera sa kin sa pinagbentahan ng lupa at pinagawan ko din po ng Deed of Sale noong 2006, na pinirmahan din nya...

2.) Gusto po sana namin na ituloy ito sa korte, may laban po ba sila?

Maraming salamat po, malaking tulong po sa min ang advice nyo... God Bless po

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum